Nakakatunaw talaga ng puso habang pinapanood ni Baby Tali si Daddy Vic sa TV

Kung kamakailan lang ay nagpakitang gilas si Baby Tali sa kanyang mga acting skills. Tulad na lamang ng kanyang ‘fake cough’ at pamemeke ng kanyang pag-iyak. Kasama pa riyan ang kanyang galing sa mga alphabets. Talented at puno talaga ng good vibes si Baby Tali.

Ngayon, may bagong pasiklab naman si Baby sa IG story ng kanyang mommy. Makikita sa picture na seryosong-seryoso siyang nanonood ng TV. Makikita sa TV na pinapanood niya ang kanyang daddy na si Bossing Vic Sotto sa noon time show na Eat Bulaga ng GMA-7.

Tila kilalang-kilala na nga talaga ni Tali ang kanyang daddy at ayaw paistorbo sa kanyang panonood. Focus na focus si baby na hindi na rin niya ang pansin na kasama pa niya sa kwarto si mommy Paulene.

“Daddy ko iyan,” kung nakakapagsalita nga lang si Baby Tali ay paniguradong iyan ang kanyang sasabihin.

Ngayon pa lamang ay makikitaan na ng pagiging ‘daddy’s girl’ ni Tali. Siguradong di ito maaalis sa tabi ni Bossing paglaki niya.
Nakaka-excite nga naman talagang abangan ang mga magiging bonding ng mag-amang sina Bossing Vic at Baby Tali.


Dito pa lang sa video na ito ay makikita na ang bonding nila ss Facetime, nawawala talaga ang pagod ni Bossing sa mga ngiti ni baby.

Makikita naman sa video na ito, tutok na tutok talaga si baby. Talo at taob na ang number one fan ni Bossing dahil kinuha na ni Baby Tali ang trono. Napakabibo talaga ni baby at naguumapaw sa cuteness at galing.

Siyempre, umani ulit ito ng reaksiyon sa social media. Talaga nga namang natutuwa ang mga netizens kay Baby at may mga komento pa sila:

“Daddy’s girl si Tali! Siyempre kamukha din ni Mommy Pauleen.” “Cute ni Tali kilala niya kung sino nasa TV”.

Kung alam lang ni Tali, na sobrang sikat ng kanyang mga magulang. Pero mas hindi alam ni Tali, na kahit bata pa lamang siya ay sikat na sikat at kilala na siya ng mga dabarkads. Kamakailan lang ay nagdiwang si baby Tali ng kanyang 1st Birthday noong November 6 na isang picnic-inspired party. Habang si Bossing Vic at mommy Paulene ay magkasama pa rin bilang noon time host sa Eat Bulaga ng GMA-7. Ikinasal sina Vic Sotto at Paulene Luna noong January 30, 2016.