Ang Mga Negatibong Epekto sa Katawan ng putol-putol na Tulog at mga Sakit na pwedeng pagmulan nito

Halos lahat ngayon ay lulong na nga sa pagpupuyat. Hindi na nakukuha ang dapat makuhang walong oras na tulog dahil sa iba’t-ibang pinagkaka-abalahan sa buhay. Nangunguna na diyan ang night shift sa trabaho, school requirements, o ang walang katapusang social media.

Maraming mga masasamang epekto ang pagpupuyat sa isang tao lalo na sa kanyang kalusugan. Dahil sa kakulangan sa tulog, mayroong iba’t-ibang komplikasyon na naidudulot ito sa pangangatawan. Pero may mas nakaka alarmang epekto ang pagkakaroon ng hindi tuloy-tuloy na pagtulog at biglaang pag gising sa kalagitnaan ng gabi.

Ayon sa isang pag-aaral ng University of Illinois sa mga 516 adults na may edad na 71-78, halos ng mga respondents na may problema sa pagtulog ay mayroong mataas na bilang ng ‘biomarkers’, ito ang protein na nagpapataas sa kaso ng Alzheimer’s dis3ase.


Sleep apnea ang tawag sa sleep disorder na ito. Base sa Alzheimer’s Association, dalawampung porsyento ng mga kababaihan at tatlumpung porsiyento ng mga kalalakihan ang mga naaapektuhan nito.

Hindi ito ang pangkarinawang problema sa pagtulog. Ang pagkakaroon ng respiratory sleep disorders ay magbubunsod sa pagkakaroon ng halos animnapung beses ng pagka-antala sa pagtulog.

Narito naman ang ilan sa mga sikreto upang magkaroon ng mas magandang tulog ayon sa mga Sleep Doctors.

1. Wag ng gumamit ng ‘pajamas’. Mas komportable kung hindi ka balot na balot sa pagtulog lalo na sa klima natin. Mas presko at mas makakatulog ng agad dito.

2. Maaari ding manood ng TV. Maigi din namang makatulog habang nakasindi ang TV at i-timer nalang ito.

3. Alamin mo ang pampatulog mo. May kanya-kanya tayo ng paraan para makatulig. Ang iba’t nakikinig ng music, o dapat ay mayroong unan o kumot. Makakatulong din ang ganito.

4. Iwasan ang pag-inom ng alak para makatulog. Hindi ito makakatulong sa pagtulog mo mas nagpapaaktibo pa nga ito sa iyo kaya hindi ka rin makapagpapahinga sa tulog.

5. Sobra-sobra ba ang iyong paghilik. Allergies ang pangunahing dahilan niyan. Kaya maaaring uminom ng decongestant o antihistamine para sa mas maayos na tulog.

6. Magsulat. Sa sobrang dami ng mga kaabalahan sa buhay at ng mga alalahanin ay maaaring isulat mo muna ito para pakalmahin ang sarili. Pagkagising bukas ay maaaring basahin ulit at isipin kung ano ang gagawin dito.

Napakahalaga na magkaroon tayo ng maayos na pagtulog. Hindi tayo magiging malusog, aktibo at produktibo sa buhay kung hindi natin bibigyang pansin ang kahalagahan ng pagtulog.