Teacher na laging sinasama sa eskwelahan ang kanyang Nanay na Maysakit, nireklamo ng mga magulang ng kanyang estudyante, ngunit nagbago ang lahat nang ito ay nawala.

Iyan ang mensahe ng isang video na trending ngayon sa youtube na isang Thai Advertisement.  Ipinapakita ng video na ito ang halaga ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob. Matapos ang kanyang mga pasakit at paghihirap, ipinahiwatig ng video na ito na ang tamang oras para ibalik naman ito ngayon sa kanya.

Tunay na walang problemang mahirap sa kanya. Lahat ay isinasakripisyo para lang matugunan ang lahat ng ating pangangailangan at mabigyan tayo ng magandang buhay. Paano ka nga ba magpapasalamat sa taong ito ng iyong buhay? Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa iyong ina?

Siya, ang iyong nanay, mommy o mama ang bida ng video na ito. Isang matandang babae na nanay ng isang propesor sa eskwelahan na may Alzhiemer’s dis3ase ang laging kasama ng guro maging sa silid aralan. Pero kung titignan, nagiging pangamba na ito sa mga magulang ng mga estudyante kaya sila ay nagreklamo sa administrasyon ng paaralan.

Labag man sa loob ng principal dahil naiintindihan niya ito pero kailangan na niyang sabihin ito sa guro dahil marami na ang nagbabantang ililipat ang kanilang mga anak kung hindi niya tatanggalin ito.

 

Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay bigla na lamang nawala ang kanyang ina sa kanyang kinauupuan. Dahil sa kanyang kondisyon, ay nag-alala siya at pinaghanap-hanap niya ang kanyang ina.

Ang hirap nga naman na mawalay sa iyong ina. Kung noon, ay umiiyak tayo dahil ayaw natin umalis sa tabi nila dahil takot tayo at di natin alam ang gagawin. Ngayon, alam nating sila naman ang dapat alagaan kaya ayaw nating mawala sila.

Kalaunan, nakita ng estudyante at magulang ang kanyang ina. Hanggang sa nagkita sila at umiyak nalang ang guro. Walang salita na tutumbas sa kanyang naramdaman ng makita ang ina. Makikita dito ang tunay na pagmamahal ng anak sa kanyang ina. Di maipinta ang mukha ng guro sa sobrang galak sa kanyang puso.

Iyan ang tunay na pasasalamat at pagmamahal sa ina. Hanggang sa karamdaman at katandaan ay hinding hindi siya iiwan at susukuan dahil kailanman ay hindi rin nila tayo sinukuan.

Iba ang sakripisyo ng isang ina. Sa bawat pagsisikap nila ay may katumbas na tagaktak ng pawis para sa kanilang mga anak. Sila talaga ang ilaw ng tahanan. Hindi natin kaya ng wala sila. Hindi tayo makakilos kung wala ang gabay nila. Kaya patuloy lang natin silang mahalin at pahalagahan habang hindi pa huli ang lahat.