Mga Celebrity Couples na malayo ang agwat ng Height sa isa’t isa pero di naging hadlang upang sila ay magmahalan

Wala nga namang distansya o layo ang makakapigil sa tunay na pagmamahalan. Kahit ikaw ay nasa Batanes at ang partner mo ay nasa Jolo pa, o kahit nasa ibang bansa pa iyan, ay hindi ito magiging sukatan para sa matibay na pag-iibigan. LDR o Long Distance Relationship, ika nga nila. Pero, paano kung hindi naman pala ang lugar ang malayo sa inyo? Paano kung pareho naman kayong nasa iisang lugar pero may distansya pa rin? Ibang usapan kasi ito. Usapang height ang distansyang ito. Ito yung feeling na kailangan mag-adjust ng dalawa. Kailangan pang tumikad ni Ate habang yuyuko pa si Kuya para lang mayakap ang isa’t-isa. Gayunpaman, hindi din naman ito hadlang para sa mas matibay na relasyon. Sa katunayan, mayroong mga loving couple na nagpatunay na mas malalim at mas matibay ang kanilang relasyon.

Doug and Chesca Kramer

Si Doug ay may height na 6 feet at 5 inches habang si Chesca ay 5 feet at 1 inch. Makikita sa family picture na ito kasama ng kanilang mga anak at mga alagang aso ang agwat ng kanilang height na ginagawang pangkantiyaw ni Doug sa kanya. Lalong tumitibay ang kanilang samahan at patapos na nga ang dream house ng dalawa.

Rich and Kyla Alvarez

“… Buti na lang ikaw ang naging kabiyak ko. Ang bait talaga ni Lord” bahagi yan ng IG post ni Kyla. Si Rich ay isang basketball player na may 6 feet at 4 inches at si Kyle ay 5 feet at 1 inch.

JC and Bianca Gonzales-Intal

Si JC ay isang PBA player na may 6 feet at 4 inches habang si Bianca ay may 5 feet at 4 inches. Nagkaroon ng intimate wedding ang dalawa na tanging pamilya at malalapit na kaibigan lamang ang dumalo.

Sol and Denise Laurel

Hindi din naman nagpatinag sina Sol na may 6 feet at 2 inches at si Denise na may 5 feet at 2 inches. “You just put your arms around me and I’m home,” sambit naman ni Denise sa kanyang IG.

Marc and Danica Sotto-Pingris

Si Marc naman ay may height na 6 feet at 5 inches at makikita naman ang agwat ni Danica sa larawang ito.  Makikita din sa caption ni Danica sa kanyang IG na kakatapos lang nilang magattend sa isang church service nilang mag-asawa at isinulat ang kaniyang natutunan.

Pinapatunayan lamang ng mga couples na ito na wala sa height ang tunay na pagmamahal. Kundi, ang tunay na pagmamahal ay nagsisimula sa isang matibay na pundasyon, iyon ay ang pagmamahal at katapatan. O ano na mga girls, kasama na ba sa mga checklist mo ang 6 footer na dream guy?