Mga Anak ni Mikee Cojuangco, kinakikiligan ngayon dahil sa taglay na kapogian!

Kilala si Mikee Cojuanco bilang orihinal na IT girl sa showbiz. Matapos ikasal si Mikee, hindi na ito naging aktibo sa showbiz. Matatandaang isa ang aktres sa bumubuo sa trio na Do Re Mi kasama sina Regine Velasquez at Donna Cruz. Napangasawa ng aktres ang dating basketbolista na si Robert “Dodot” Jaworski Jr.

 

View this post on Instagram

 

Our graduate. Congratulations, Robbie! We love you!

A post shared by mikeecj (@mikeecj) on


Sila ay nabiyayaan ng tatlong nagagwapuhang mga anak na lalaki, at ang kanilang panganay nga ay usap-usapan online.

Pinagkalooban ang mag-asawang Mikee Cojuanco at Dodot Jaworski ng tatlong anak na lalaki, sila ay sina: Robbie Vincent Anthony Jaworski III, Rafael Joseph Jaworski, at Renzo Mikael Jaworski.

Nakita agad ng mga netizens ang angking karisma ng panganay na anak nina Mikee at Dodot na si Robbie.

Hindi man madalas binabahagi ni Mikee ang mga litrato ng kaniyang pamilya, hindi pa rin natibag at nawala ang suporta ng mga fans ng aktres sa ilang larawan na talaga namang pinag-uusapan sa social media.

Tunay ngang nakaaagaw-pansin ang tatlong nagagwapuhang anak nina Mikee at Dodot, lalo’t higit ang panganay na si Robbie.


Bumuhos ang samu’t saring komento at papuri ng mga netizens online na talagang pinuna kung gaano kagwapo ang mga anak ni Mikee dagdag pa ang gandang lalaki ni Robbie. “Ang popogi ng mga anak”, “Handsome”,“Super handsome”, “Grabe naman ang gugwapo ng mga anak mo Ms. Mikee”, “So gwapooooooo”,“Heartbreaker ‘to! So pogi!”,“Grabe so handsome naman!”, “Oh so handsome Robbie”.

Maliban pa sa pagiging IT Girl ni Mikee Cojuanco noon, siya rin ay itinuring na most sought leading lady ng sikat at bigating mga aktor. Siya rin ay gumawa ng mga pelikula at TV shows. Kabilang sa mga tumatak sa mga manunuod ay ang Do Re Mi na pinagbidahan niya kasama ang dalawang aktres na sina Regine Velasquez at Donna Cruz.