Floating Restaurant sa Bolinao Pangasinan, patok sa mga Bakasyunista dahil di na kelangan pang pumunta ng Bohol para maexperience ito

5 oras na biyahe lang galing Metro Manila sa halagang mas mababa sa isang libong piso ay mararating mo na ang Bolinao.

Isang bayan sa hilagang Pangasinan malapit sa Linggayen Gulf, ang bayang ito ay perfect para sa mga gusto mamasyal pero “on a tight budget” ang Bolinao ay sikat sa masasarap na pagkaing matatagpuan dito tulad nalang ng binungay o bamboo rice cake sa ingles, ang natural na lasa ng gata at kanin ay mas pinasasarap ng lining ng kawayan ayon kay Nanay Belen na tatlong dekada nang gumagawa nito. Swak na swak itong kainin habang nagrerelax sakay ng kanilang floating resto na pantapat nila sa river cruise ng Bohol.

Habang nasa Sungayan Grill floating restro habang binabagtas ang Balingasay River perfect time ito para lantakan ang napakaraming seafood na ininihanda ng restaurant tulad nalang ng Grilled Sungayan isang isda na napakasarap at pinagmulan din ng pangalan ng restaurant.

Ang Sungayan ay iniihaw upang matanggal ang makapal nitong balat. Pagkatapos na mag river cruising pwede na namang pasyalan ang ilang siglong tandang mangrove forest na pinamamahayan ng migratory birds at wild ducks.

Kung ang Bohol at Cebu ay may mga pinagmamalaking antigong simbahan mayroon din niyan ang Bolinao, matatagpuan rito ang St. James the Great Parish Church na gawa sa black coral stones at hindi lang ito ang makasaysayang bagay sa Bolinao, sa Bolinao rin natagpuan ang Golden Skull isang bungo na pinalamutian ng gintong mga kaliskis ang ngipin. Mayroon ding isang daang taong gulang na light house ang Bolinao, ang Punta Piedra Point na itinayo noong 1903, kitang kita naman mula sa Piedra Point ang Patar Beach isang white sand beach na maaring maging pantapat sa white sand beaches ng Boracay. Kaya ano pa ang hinihintay tayo na at pasyalan ang Bolinao, Pangasinan.