Pinoy Celebrities at ang kanilang mga Cute na mga Throwback Pictures ang Viral ngayon sa Internet!

What’s up madlang people! It’s Showtime!” Sino ang artistang una ninyong naisip sa mga linyang ito? Kung ang Filipino-Australian na aktres na si Anne Curtis-Heusaff, tama kayo. Kilala siya sa mga palayaw na ‘Anne-kabogable’ at ‘Anne-kulit’.

Source: Instagram

Ipinanganak noong ika-labimpito ng Pebrero taong 1985. Siya ay isang modelo, aktres at punong-abala sa telebisyon dito sa bansa. Pinaka nakilala si Anne nang ginanapan niya ang teleseryeng ‘Kampanerang Kuba’ kung saan ay nakatrabaho niya ang mga sikat na aktres tulad nina Eula Valdez at Jean Garcia.

Source: Instagram

Sa kasalukuyan, ikinasal siya sa kanyang long-term boyfriend na si Erwann Heusaff at madalas siyang napapanood sa noon time show na ‘It’s Showtime’ kasama ng kanyang mga co-hosts na sina Karylle, Vice Ganda, Jhong, Vhong at iba pa.

Sumikat siya sa edad na dalawang taong gulang. Walang iba kundi ang ‘cute dimpled girl’ na si Coleen Garcia.

Source: Instagram

Si Coleen ay napabilang sa ABS-CBN’s Star Magic group of talents noong taong 2011 kung saan nagtuloy-tuloy na ang tagumpay sa kanyang karera bilang isang aktres. Siya ay napanood sa mga teleserye na My Binondo Girl, Wansapanataym, Oka Tokat, Little Champ at iba pa. Kinalaunan, taong 2012, siya ay nagging co-host sa panghapong palabas na It’s Showtime ngunit hindi rin nagtagal ay umalis upang mas bigyang pansin ang kanyang karera sa paggaganap.

Source: Instagram

At noong Abril sa kasalukuyang taon, siya ay nakiisang dibdib sa aktor na si Billy Crawford.

Mula sa angkan ng mga kilalang actor at aktres, nanggaling si Andrea Nicole Guck Eigenmann o mas kilala bilang Andi Eigenmann.

Source: Instagram

Nagsimula si Andi sa pagganap sa palabas na ‘Prinsesa ng Banyera’ sa ABS-CBN. Napanood din siya sa Pinoy Big Brother:Teen Edition Plus, kung saan siya ang ikalawang nakapasok sa loob ng bahay at natanggal sa ika-limampu’t tatlong araw.

Source: Instagram

Ngayon, si Andi ay lumipat sa GMA Artist Center upang ipagpatuloy ang nasimulan niyang karera.

Paniguradong makikilala niyo agad ang susunod na artistang ito sa mga linyang “Ako Budoy”. Siya ay si Gerald Anderson, isang Filipino-American na aktor.

Source: Instagram

Mula ng matuklasan ni Joross Gamboa, nagtuloy-tuloy na ang tagumpay sa buhay ni Gerald. Siya ay napasama sa Pinoy Big Brother:Teen Edition at kinilala bilang ‘Teen Third Big Placer’ sa palabas.

Source: Instagram

Nakasama niya sa pagsikat ang aktres na si Kim Chiu na kalaunay kanyang naging nobya. Sa kasalukuyan, abala si Gerald sa kanyang tungkulin bilang isang manlalaro ng basketball.

Nakilala sa mga pelikulang ‘Diary ng Panget’, ‘Talk Back and You’re Dead’at ‘Para sa Hopeless Romantic’.

Source: Instagram

Walang iba kung hindi ang Filipino-Australian na aktor at modelo na si James Reid. Mula ng Manalo sa Pinoy Big Brother noong taong 2010, nagsimula na ang pagsikat ng aktor na ito.

Source: Instagram

Mas lalong nakilala si James Reid sa kanyang palabas na ‘On The Wings of Love’ kung saan kasama niya ang kanyang nobyang si Nadine Lustre. Si James ay naging sikat din na mang-aawit. Nailabas na ang kanyang ikatlong album nito lamang Marso 2017.

Hindi mo aakalain na ang aktor na ito ay isang ‘soon to be doctor’ sa galing niya magsalita sa harap ng maraming tao.

Source: Instagram

Siya ay si Robert Marion “Robi” Eusebio Domingo. Mula Pinoy Big Brother, mas napanood pa natin si Robi sa ASAP, The Voice Philippines at iba pang mga palabas sa telebisyon.

Source: Instagram

Nakapagtapos siya ng kolehiyo bilang ‘Bachelor of Science degree in Health Sciences’ ngunit pinagpasyahan na mas pagtuunan ng pansin ang kanyang karera sa showbiz.

Sumunod ang ating ‘’Chinita Princess’’ na si Kim Chiu. Unang napanood si Kim sa palabas na ‘Sana Maulit Muli’.

Source: Instagram

At dahil sa angking talent sa pag-arte ay tuloy-tuloy ang tanggap niya ng mga proyekto at pagtanggap ng mga di na mabilang na gantimpala.

Source: Instagram

Kalauna’y natuklasan din ang kanyang talent sa pag-awit at ngayon ay mayroon ng tatlong albums at mahigit sa sampung ‘singles’.

Kayo ba’y nanonood ng palabas na pinamagatang ‘Halik’? Kung saan mapapanood niyo ang Filipino-American na aktor na si Sam Milby.

Source: Instagram

Lumaki sa Amerika at bumalik sa bansa noong taong 2015. Naging isang malaking tagumpay ang karera ni Sam.

Source: Instagram

Mula sa pagmomodelo lamang dati sa mga komersyal ay siya na ngayoý isang sikat at kilalang aktor sa bansa.