Nanay na nagsilang sa kanyang ika-21 nyang anak, lagi nalang sinasabing last na hanggang sa dumami sila ng ganito

Ang saya nga naman talaga ng marami. Maraming kaibigan, barkada, o kapatid. Tila di matatawaran ang saya pag marami kayong nagkakasiyahan, sa hapag kainan maging sa pagdadamayan sa problema.

Source: Instagram
Source: Instagram
Source: Instagram

Hindi mo nga naman maalintana ang problema kung marami kayo na magtutulungan at magkakaisa. Hindi nga naman mararamdaman ang problema ng pamilya at barkada sa dami ng magiging kabahagi mo dito.

Pero, paano kung dalawampu’t isa kayong magkakapatid? Magiging daan ba ito upang mapagaan ang problemang pagdadaanan ng pamilya o mas maiisip na problema dahil sa sobrang dami ng miyembro ng pamilya?

Sa panahon ngayon, ang pagkakaroon ng limang anak pataas ay tila mahirap na sa pamilyang Pinoy. Kaya naman halos lahat ngayon ay sumusunod na sa konsepto ng family planning. Kung sa lima palang ay gumagapang ka na sa gastusin, paano pa kaya ang dalawampu’t isa? Baka naman malunod ka na sa walang katapusang expenses.

Kaya yan! Kinaya iyan ng mag-asawang Sue at Noel Radford. Kamakailan lang ay naipanganak ni Sue noong Nov 13 ang kaniyang ika dalawampu’t isang supling.

Ayon sa mag-asawa, mahirap talaga na napakarami nila pero mas nananaig ang saya sa kanilang buhay pampamilya.

Labing-apat na taon pa lamang si Sue ay noong unang naipanganak ang kanilang panganay. Pagkaapak ng labing-walong taon ay nagpakasal na sila, at nasundan na ito ng susunod na supling.

Source: Daily Mail
Source: Instagram

Hanggang sa sumunod ito sa susunod na taon, at nagsunud-sunod ang pagdating mga blessings sa kanilang pamilya. Kaya naman, makikita mo sa larawang ito ang kanilang pamilya noong 2016.

Ayon kay Sue, sa kanyang edad na 43 years old, ay magiging bunso at huling baby na nya ito. Pero tila taon-taong linyahan na nya ito.

Bukod pa sa kanilang malaking pamilya sa dami ng kanilang mga anak, ay lolo’t lola ng tatlo sa kanilang anak na si Sophie.

Nakapagtataka nga naman kung paano sila namumuhay sa araw-araw sa dami ng kanilang mga anak. Nakabibilib nga naman kung paano nila ipinalaki at ipinagaral ang mga ito. Siguradong kulang ang 500 pesos na pangaraw-araw na gastusin ng kanilang pamilya. Pero kahit ganito man, ay napakaganda ng kanilang buhay.

Kaya naman, tinagurian na rin silang pinakamalaking pamilya sa Britanya na may 23 miyembro.

Patunay lamang ito na wala sa laki o dami ng pamilya ang tatag ng pamilya. Maliit man o malaki, marami man o kaunti ay kayang-kaya ng pamilya na umangat at magkaroon ng magandang buhay hanggat nagkakaisa at nagmamahalan ang bawat miyembro ng pamilya.