Misis at bayaw natuklasang magkarelasyon, mister dumulog kay Tulfo

Sumugod ang isang mister sa Raffy Tulfo in Action at humingi ng tulong sa inerereklamo niyang pagsama ng kanyang misis sa bayaw nito.

Ang misis ay nagngangalang Janiza Balang at napag-alaman na nireklamo rin umano ito ni Ryan Balang, ang mister, dahil sa pagsama sa dati nitong asawa na si Paterno Tormis, Jr. Nagpunta ang asawa at bayaw ni Ryan sa Aksyon Center dala-dala ang mga ebidensya laban sa kanya na lubos niyang di inaasahan.

Sinabi ni Janiza wala umanong bisa ang kasal nila at dala niya ang dokumentong nagpaoatunay rito.

Ayon kay Janiza, ikinasal lamang sila ng pastor ng tribu ni Ryan.

Ngayon lang nalaman ni Ryan ang tungkol sa pagiging walang-bisa nang kasal nila sa kabila ng pitong taon nilang pagsasama.

Dumating sa punto na nagkaroon nang di pagkakaintindihan ang mag-asawa at dumagdag pa ang problema sa pera, napilitang umalis si Ryan upang maghanap nang marangal na trabaho.

Ngunit hindi ito nagtagumpay at kinailangan pa ang tulong ni Paterno upang makahanap nang disenteng trabaho.

Si Paterno rin umano ang nagliligtas kay Janiza laban kay Ryan. Ipinunto rin ni Janiza na si Ryan di umano ang naunang di naging “faithful” sa kanilang dalawa.

Ngunit ito’y pinabulaaanan lamang ni Ryan. Nagkaroon ng mainit na pag-away sa pagitan ni Ryan at Janiza sa tanggapan mismo ni Tulfo.

Sa susunod na video, matutunghayan ninyo kung paano niresolba ni Raffy ang problema sa pag-ibig at panloloko sa pagitan ng tatlong panig.