John Prats at Isabel Oli Sobra ang Pasasalamat sa kanilang 2nd Baby!

Blessing kung maituturing ang pagdating ng isang baby bilang bagong miyembro ng pamilya. Napakasaya nga namang makita na mayroon ng napaka cute na baby na darating upang magpasaya sa pamilya.

Matapos ang siyam na buwang pag-iingat at pag-aalaga ni Mommy, at ang paghihintay ni Daddy maging ang paghuhulaan nila lolo’t lola, ate’t kuya at tito’t tita kung ano ang magiging itsura niya. Sa wakas, dumating at naisilang na din nung Nov 26 ang bagong miyembro ng Prats Family.

Maitataguyod na ang apelyido ni Daddy John Prats sa kanyang second born child pero siya din ang kanyang unang anak na lalaki na si ‘Daniel Freedom’. Sumunod siya sa kanyang ate na si ‘Lily Feather’ na isinilang noong April 18, 2016.

“So.. this is freedom,” iyan ang sambit ni John sa kanyang IG post na may laking pasasalamat sa Panginoon with a hashtag, #wearethepratties.


Ganun din naman ang malaking pasasalamat ni Mommy Isabel matapos ang matagumpay at ligtas na pagbubuntis at panganganak kay baby Freedom.

Sa loob ng siyam na buwan, napakaligtas at maayos ang kondisyon ng kanyang pagbubuntis kaya lumabas na malusog si baby.

“Sometimes I just look up, smile and say, I know that was you God,” sabi naman ni. Isabel sa kanyang post sa social media.

 

View this post on Instagram

 

So… this is Freedom. Thank you Lord God 🙏🏼#wearethepratties

A post shared by John Paulo Q. Prats (@johnprats) on


Tunay ngang ang kalayaan na ang makapagpapasaya kina John at Isabel dahil kay Freedom. Malaya nga naman talaga sila na alagaan, mahalin at bigyan ng magandang buhay si baby.

Unang nalaman ang panganganak kay Freedom sa napakasayang post ni Pratty. Dito pa lang ay makikita na sng excitement na ibalita ito ni John sa lahat lalo na sa kanyang pamilya at mga supporters. Isa din ang Banana Sundae family ni John ang napakasaya at napaka supportive sa kanya.

Mas excited ngayon ang mag-asawa kung paano ang nga adjustments na kanilang kakaharapin ngayong dalawang chikiting na ang miyembro ng pamilya. Ngunit aasahang mas magiging masaya pamilya lalo pa ngayong may kakampi na si Daddy John at may makakalaro na ng baril-barilan o basketball.

Pero panigurado na magkakaroon ng mas masaya at malayang buhay si Baby Freedom dahil sa 101% na pag-aalaga ni Daddy John at Mommy Isabel. Talented din naman din nyan ito sigurado na magmamana sa kanyang tatay at nanay.

Matatandaang ikinasal ang dalawa sa Batangas noong May 16, 2015. Sino ba naman ang hindi makakalimot sa love story nila? Gawin ba namang dance floor ang buong Estwood City para sa kanyang proposal, hindi ba’t remarkable?