Engagement Photos na Simple ngunit Tunay na Makapagdamdamin kahit Suot lamang nila ay ang kanilang mga Uniform sa Trabaho

Dala ng makabagong panahon ng teknolohiya at ng kamanghaan natin sa mga litrato, ang mga prenuptial photoshoots ay tinatrato na na para bang isa itong paligsahan, paligsahan sa pinakamasining at malikhain na mga litrato. Mula sa klasiko na tila bang galing ang litrato sa panahon ng mga lolo’t lola natin, hanggang sa mga napakakakaiba, ang lahat ng ito ay nagawa na para sa mga photoshoot na ito.

Ngunit, nang isipin natin na nagawa na ang lahat ay mayroong isang ikakasal na magnobyo ang nakaisip ng isang kakaiba at nag-iisang konsepto para sa prenuptial photoshoot nila.

Kung ang ibang mga magkarelasyon ay gumagastos ng napakalaki para sa magagarbong suotin at costume, ang magnobyo at nobya na ito mula sa bansang Thailand ay ginustong gawing makatotohanan ang kanilang photoshoot. Ang ikakasal na sila Sunita Salaemae at Adeelan Salae ay nakasuot ng kanilang mga uniporme sa kanilang prenuptial photoshoot habang ang kanilang background ay tila bang isang rubber plantation.

 

Si Sunita ay isang nurse sa totoong buhay kaya’t siya naman ay nakasuot ng uniporme ng isang nurse. Ang kaniya namang fiancée na si Adeelan ay nagtatrabaho naman para sa isang rubber plantation. Kahit ano pa ang isuot ng ikakasal, o kahit ano pang background ang kanilang piliin, nakatitiyak na pareho pa din ang epekto nito sa mga mata na makakakita nito sa kanilang kasal.

Ang kanilang pre-wedding photoshoot ay naging viral sa social media matapos ito ipost ng photographer nila na si Yusree sa kaniyang Facebook account na mayroong maikli ngunit napakamakabuluhang caption na “Love doesn’t depend on career but depends on taking care of each other.” Libo-libong netizens naman ang nagpakita ng papuri at pagkamangha sa magkarelasyon na ikakasal, nagbibigay bati sa dalawa sa pagmamahal nila para sa isa’t-isa sa kabila ng kanilang magkaiba na kalagayan sa lipunan, isang nurse at isang nagtatrabaho para sa isang rubber plantation o taniman ng rubber.

Napuri din sila hindi lang para sa kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa at sa malikhain nilang photoshoot. Binigyan puri din sila ng mga netizen sa Facebook sa pagpili na maging praktikal para sa kanilang pre-wedding photoshoot, di katulad ng karamihan ng mga magpapakasal na gumagastos ng malaking halaga na kung minsan ay umaabot din sa ilang daang libo para lang maisagawa ang kanilang prenuptial photoshoot, na kung tutuusin ay hindi naman talaga kailangan na ganoon kagarbo.

Nagpapakita ang magkarelasyon na ito na hindi naman mahalaga kung gaano kagarbo ang photoshoot o kahit ano pa sa isang kasalan, ang mahalaga ay mahal ng isa’t-isa ang dalawang pag-iisahin ang puso.

Source: Goodtimes