Mamahaling Diamond Ring, ibinigay ni Mega Star Sharon Cuneta kay Regine Velasquez

Kamakailan lamang ang concert ng songbird na si Regine Velsquez na pinamagatang “Regine at the Movies.”

Guest si Mega Star, Sharon Cuneta sa nasabing concert ng songbird nitong Sabado ng gabi, Nobyembre 24 na ginanap sa Frontier Theater sa Quezon City.

 

View this post on Instagram

 

The Mega Star @reallysharoncuneta in the house! 🎬 #regineatthemovies

A post shared by New Frontier Theater (@newfrontiertheater) on


Sabay nilang kinanta ang isa sa mga pinakasikat na obra sa larangan ng musika, ang ‘Bituing Walang Ningning.’ Habang nagtatanghal, dito na tinanggal ni Sharon ang double finger ring na hugis bulaklak at tadtad ng diyamante at ibinigay kay Regine bilang isang regalo. Ang diamond ring ay gawa ni Candy Dizon ng Jul B. Dizon Jewelry ayon sa panayam sa PEP.ph. Ito nga raw ang pinakamahal na regalong naibigay ng Mega Star sa buong buhay niya.

 

View this post on Instagram

 

Sharon Cuneta and Regine Velasquez doing a duet of the song Bituing Walang Ningning. 🎬 #regineatthemovies

A post shared by New Frontier Theater (@newfrontiertheater) on

Dagdag pa ni Sharon, “Sometimes, I get this feeling na I want to give… but it’s the most expensive gift I’ve ever given [to] anyone.

Kilala si Sharon Cuneta bilang Mega Star, isang batikang artista, host, at presenter. Siya rin ang maybahay ni Sen. Kiko Pangilinan at ina ng actress na si KC Concepcion, tampok din ngayon si Sharon sa isang palabas kasama ang actress na si Kathryn Bernardo.