Bagong Dream House na Bunga ng Pagsisikap ng Team Kramer, Itinatayo na!

Sariling bahay at lupa, iyan na nga yata ang numero unong hiling na magkaroon ang bawat pamilyang Pilipino. Bahagi talaga ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng bahay. Ang bahay ang isa sa mga tanging susuporta at poprotekta sa bawat miyembro ng pamilya. Kaya naman, kanya-kanyang kayod kung paano maipapatayo ang dream house na kanilang nais maasam. Mayroong todo bigay sa kanilang mga trabaho, kayod marino sa ibang bansa, o sumasali sa mga game show o tumataya sa lotto para maging posible ang pinapangarap na bahay.

Simple lamang o magarbo, mala-toreng bahay o ‘bungalow’, isang hektarya o isang kwarto lamang. Iba-iba ang gusto sa laman, at disenyo para parehong mithiin na magkaroon ng bahay na komportable para sa kanila.


Kaya naman, napakasayang malaman kung ano nga ba ang nasa loob ng bagong bahay nila Doug Kramer at Chesca Garcia.

Source: IG/DougKramer

On-going pa ito pero konti na lang ay matatapos na ang dream house ng mag-asawa. Ngayon pa lamang, humatak na sa mga netizens ang features ng dream house nila.

Source: IG/ABSCBN

“Everything is slowly coming together,” ganyang inilarawan ni Chesca sa kanyang interview sa ABS-CBN.

Source: IG/ABSCBN

Unti-unti na ngang nabubuo ang pangarap nilang bahay. Hands-on talaga si Doug sa pagpapatayo ng kanilang bahay. Mula sa mga tiles na ginamit, pintura at kahoy, dumaan lahat kay Doug upang maging kalidad ang ginagawang bahay.

Source: IG/ABSCBN

Hindi na mapigilan ni Chesca ang kanyang excitement. Makikita sa kanyang mga social media posts ang pag-uupdate ng konstruksyon ng kanilang dream house.

 

View this post on Instagram

 

Our dream home project! 😍 Finishing soon! 👌

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer) on


Dahil gusto nila ng summerhouse effect ng kanilang bahay, gumamit sila ng mga wood sa iba’t ibang sulok ng bahay. Makikita din sa social media ni Chesca ang pagpopost ng iba’t ibang anggulo ng kanilang bahay. Nasabi naman ni Doug ang paboritong bahagi ng bahay. Yun ay ang rear part dahil nakikita niya doon sa bahay kung pano siya nagsimula.

 

View this post on Instagram

 

Kulitan before we sleep! Good night everybody! 😊

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer) on


Hindi naman maitatago ang saya sa kanilang mukha. Punong puno ito ng kapasalamatan at sadyang excited na talaga silang lipatan na ito. Lahat nga naman ng mga blessing na tulad ng bahay na ito ay nararapat lamang na pahalagahan. Sintatag ng pundasyon ng bahay ang pundasyon ng pagsasama ni Doug at Chesca kasama ang kanilang tatlong anak na sina Scarlet, Gavin, at Kendra.

Ang pagkakaroon ng bahay ay isang pangangailangan ngunit ang gawin itong tahanan ay ang ating responsibilidad. Simbolo ng tagumpay ang pagpapatayo ng sarili at pinangarap na bahay. Magarbo man o simple ang dream house mo, mas mahalaga pa rin na balikan kung saan ka nagsimula sa iyong lakbayin. Ikaw, ano ang dream house mo?