Alessandra De Rossi, isiniwalat ang totoong dahilan kung bakit siya nagpakalbo

Kung sinusubaybayan ninyo ang social media accounts ni Alessandra De Rossi, makikita na siya ay nagpakalbo, ngunit hindi niya sinabi kung bakit niya ito ginawa. Ilang netizens ang nagsasabi na siya ay depressed, hanggang sa punto na siya ay nakalbo. Sa wakas ay sinabi niya din ang kaniyang dahilan sa pagbabago ng kaniyang hairstyle.

Sa isang Instagram post ni Alessandra De Rossi, inilahad niya na ang pagpapakalbo ay para pala sa isang pelikula na pinamagatang “Through Night and Day”, kung saan kasama niya si Paolo Contis.

Sabi niya sa kanyang Instagram post, “Good morning from this pogi! May pimples pa! Binata na talaga!!! Wala bang gustong magpaligaw sa akin dyan? Nood daw kayo ng #throughnightandday today sabi ni pogi! #NYARE

Sinabi niya na ang kadahilanan nito ay upang gawing totoo at tunay ang kaniyang maging karanasan sa pagaakto sa pelikulang ito. “Day 1! My very 1st photo without hair sa shoot ng #throughnightandday! Yes, I did it for the movie. Nanghihinayang kasi ako sa experience ng lahat kung hindi realistic.” “Anyway…… 1 cinema nalang natira. Paano yan? Pano ba to?! Leading man na muna ako for a long time. Haahahaahaahahaa!!!! Salamat sa mga nanood! moving on….. Wala pa rin akong hair. TOINKS!” dagdag pa niya.

Pinuri naman si Alessandra De Rossi ng mga netizens dahil sa kaniyang pagiging totoo sa kaniyang sining. Ito ang ilan sa mga comments sa kaniyang Instagram posts.  “Hi Ms. Alex I know your doing extra mile for your project because that is your passion and I admire you for that,. May the good Lord bless you all the way…”

“Sa totoo lang U are One of “the”FINEST in showbiz history, for real & reel, U exudes beauty in & out,intelligent,smart,very talented,forthright person i’m already 65,& still,i”m enjoying watching you.consider me one if your biggest fan, please. Thank U”

“Super idol! Mahal kita aking idolo. Ikaw ang nag bigay inspirasyon na huwag matakot maging totoo.”
“You do not need hair to shine, all you need is to stay the same!!! Miss ya” “Cried my heart out! sobraaaang ganda! At sobrang relatable for me especially kaka break lang din namin ng fiancé ko at Iceland ang dreamplace namin  sadnu huhu  But thank you sa film medyo nakatulong din sa aking pag momove on. Galing nyo po More success! ”

“You are so real and genuinely one of a kind. I admire you being so forthright. Goodluck to all your undertakings.. And i so love ur personality, with or without the hair. Gonna watch the movie. “