Benepisyong nakukuha sa Pag-inom ng Warm o Maligamgam na Tubig Habang Walang laman ang Tiyan

Ang tubig ay isa sa pangangailangan nating mga tao para mabuhay. Marami itong silbi at tulong upang para sa buong katawan.Tinatanggal nito ang mga toxins at nakakatulong maging mas healthy at gumanda ang kutis ng balat.

Sa Japan, isa sa kanilang tradisyon ay ang pag inom ng maraming maligamgam na tubig paggising palang sa umaga. Ayon sa maraming pag-aaral na ang pag inom ng maligamgam na tubig sa umaga ay nakakahinalinhan ng mga toxins sa katawan.

Ito ang limang rason kung bakit nakakatulong ang pag inom ng maligamgam na tubig sa walang laman na tiyan sa umaga.

1. Nakakatulong sa Digestion


Ang mga toxin na nasa katawan ay maaring makasira sa maayos na pag function ng tiyan at maaring makaapekto sa ating kalusugan kung hindi natin ito mailabas kaya naman sa pag inom ng maligamgam, maii -flush out ang mga toxins sa katawan para ming mas maayos ang digestion. Pwede rin magkaroon ng mas magandang balat dahil sa maayos na digestive tracts

2.Nakakatulong sa Constipation


Maraming nakakaranas ng problema sa stomach dahil sa hindi pag galaw ng bowel. Ang sakit na nararandaman ay kasabay ng bloating dahil sa pagkukulang ng tubig sa katawan. Sa pag inom ng katawan sa umaga ng walang laman ang tiyan, makakatulong ito sa pagpapaganda ng paggalaw ng bowel at constipation dahil dinudurog nito ng maayos ang mga pagkain para mas maayos ang pagdaan nito sa intestines.

3.Nakakabawas ng timbang


Kung nais na magbawas ng timbang, ang paginom ng tubig sa umaga ay pwedeng magpabilis sa prosesong ito. Ang maligamgam na tubig ay nagdadagdag ng init sa katawan na nakakatulong para pabilisin ang metabolism sa katawan na papabilis sa pagsunog ng mga calories at kapag dinagdagan ng lemon ay mas mabilis pa nitong masusunog ang mga body fats.

4.Pagpapakalma ng sakit


Ang tubig ay isa sa pinakamagandang lunas na pwede mong gawin sa bahay kaya naman maari itong makatulong sa pagpapakalma ng sakit mula sa menstruation hanggang sa headache. Ang init sa tubig ay nagpapakalma sa mga abdomina muscles na mabilisang mapapagaling ang cramps at muscle spasms.

5.Pagpapaganda ng Blood Circulation


Ang maligamgam na tubig ay nakakapagpaganda ng blood flow at nakakatulong upang kumalma ang mga muscles dahil nailabas na ang mga masasamang toxins na nagpapagulo sa blood flow.