Nagpakitang Gilas agad si Baby Tali sa Pag-acting! Panuorin ang kanyang super cute na videos at mamangha sa kanyang galing

Hindi nga naman mahihiwalay sa mundo ng showbiz ang isang bata kung parehong mga bituin na tinitingila ang kaniyang mga magulang. Sa angking galing sa pag-arte, hosting at comedy ni Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna, talaga nga namang artistahin ang kanilang baby.

Kaya naman dumadaloy sa dugo ni Baby Tali ang pagiging artista. Matapos mag-viral sa social media ang video ni Baby Tali, hindi maikakaila na manang-mana si baby kay Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna pagdating sa pag-arte.


Bata pa lamang siya, makikita na sa mga videos na ‘future actress’ talaga si baby. Sa unang video, umaarte siya na umiiyak ng walang kahit anong luha. Sinabi pa sa caption, na nag-papractice lamang siya at nag-aacting workshop.

Dagdag pa dito ang ikalawang video na nag papakita ng kaniyang ‘fake cough’. Makikita naman sa caption na kung dati ay iyak-iyakan, ay ubo-ubohan naman daw ngayon.


Kanino pa nga naman talaga siya magmamana? Siyempre kina Bossing Vic at Pauleen.

Samu-t saring mga reaksyon mula sa mga netizens na talagang nagpasaya at pinagusapan sa social media ang kanyang mga videos. Kaya naman kahit wala pang muwang sa mundo, ay sikat na sikat na itong si Baby Tali.

Pero hindi lamang iyan, matalino at talented talaga si Baby Tali. Makikita sa iba pang mga videos ni baby ang kanyang angking galing.

Una na rito ang video ni baby na kaya niyang piliin ang letter ‘A’ kahit nakahalo sa iba pang mga letra. Biro mo, halos isang taon pa lamang pero nagsisimula nang matutunan ang mga Alphabets.

Hindi lang matalino kundi magalang pa itong si Baby Tali. Makikita naman sa video na ito na tinuturuang magmano si baby sa mga nakatatanda. Patunay lamang na talagang hands-on sina bossing at mommy Paulene sa pagtuturo ng mga Filipino values kay Baby.

Kahit halos isang taong gulang pa lamang, nakapaglalakad na rin si baby at
nakapagiikot gamit ang kanyang walker. Makikitang napakasigla ni baby at talagang active na active.

Kamakailan lang ay nagdiwang si baby Talitha ng kanyang 1st Birthday noong November 6. Sa isang interview naman ni Bossing sa PEP.ph, inilarawan niya ang kanyang anak bilang ‘happy baby and chill’.

Mukha nga talagang sandamakmak na good vibes ang dala ni Baby Tali. Hindi ba’t nakaka excite na abangan ang kanyang paglaki, at makita siyang lumabas bilang napakacute at bibong child star sa noontime show kasama sina Bossing Vic at Pauleen?