Benepisyong dulot ng Paggamit ng Suka na may Tubig ay talagang malaking tulong upang malunasan ang iba’t ibang sakit

Lahat naman tayo gustong mapanatiling malusog ang ating mga katawan upang maprotektahan ang ating sarili sa mga sakit pati na rin ang mga bacteria at microbes na nasa paligid.Ito ay natural at chemical free. Maraming paraan para maiwasan o masulusyunan ang sarili sa perwisyong dulot ng mga ito at isa sa mabisang paraan dito ay ang paggamit ng suka ngunit kailangan ay naayon sa tama ang paggamit nito dahil ang pag sobra sobrang pag gamit nito ay nakakasama din.

Ang suka ay kayang puksain ang mga nagdudulot ng sakit katulad ng pathogens at bacteria. Kadalasan itong ginagamit bilang panlinis ng buhok, balat, ngipin at panlinis ng mga gamit. Lunas din sa mga sakit katulad ng nail fungus, lice ,warts at ear infection.

Hindi mabilis mapapanis ang pagkain

Ginagamit din ito sa pagpapahaba ng tagal ng pagkain dahil ang suka ay acidic pinapatay nito ang bacteria na nagiging sanhi ng pagpanis ng pagkain.

Nakakatulong sa pagpapabawas ng timbang at taba


Ayon sa mga pag-aaral ang vinegar ay nakakatulong sa pagbawas ng timbang dahil ang lasa nito ay nakakaumay na nakakatulong na mabawasan ang pagdagdag ng calories sa katawan. Nakakapagpababa din ito ng blood sugar at insulin levels.

Pinababa ang Cholesterol at Pinapaganda ang kondisyon ng puso


Ang sakit sa puso ay kilala sa pinaka madalas na sanhi ng mga pagkamatay ng mga sanggol.
Ang mga risk factors katulad ng pagbaba ng triglyceride levels at Cholesterol at kidney problems. Sa pag-aaral ay nabawas ang mga risk factors ito noong nagsimula silang gumamit ng Vinegar sa kanilang mga katawan.

Paalala: Ang sobra sobrang paggamit nito ay nakakasama

Mapapalala nito ang paglabas ng pagkain sa tiyan at lalo pa itong makalala ng sakit na Gastroparesis at ang pag kontrol ng blood sugar ay magiging mahirap lalong lalo na sa mga taong mayroong type 1 Diabetes.

Mababawasan din ang pagkain dahil sa nararamdamang pagsusuka partikular kung ito ay ginamit sa inumin.

Pinapahina nito ang Dental enamel na nagiging dahilan ng pagkawala ng minerals sa ngipin at pagkakaroon ng Tooth Decay. Ang enamel ay parte ng ngipin na binubuo ng mineral substance para protektahan ang ngipin.