Ang Mala-Resort na Bahay ni Jericho Rosales, Mamamangha ka sa Disenyo nito na may malawak na Swimming Pool

Si Jericho Rosales o kilala bilang Echo ay isang Kapamilya star na maraming awards, nominations at recognitions. Binulabog niya ang mga netizens sa mga intense hot scenes nila sa show na “Halik” sa ABS-CBN kasama sila Yam Concepcion, Sam Milby at Yen Santos. Multi talented din siya dahil maliban sa pagiging actor isa rin siyang singer, songwriter at entrepreneur habang ang asawa niya na si Kin Jones ay isang Blogger, Designer, Stylist at Photographer.

Pinakita nila sa mga Netizens sa pag post sa kanilang Instagram kung gaano kaganda ang kanilang bahay. Ang nagdisenyo ng kanilang bahay ay ang kanyang bestfriend na si Buji Libarnes. Dinisenyo bilang All white na may minimalist structure. Ang bahay ay may neutral color Palette, malinaw na linya, malawak na outdoor space at mala aesthetic para gawin mas relaxing.


Ang living room ng mag asawa ay parang mala beach inspired na may mataas na dingding para mag mukha itong malawak habang pinapaganda nito ang air circulation. Sa likod ng sofa ay mayroong Brick accent wall kung saan niya nilalagay ang mga kanyang magagandang litrato pang display. Ang mga sliding door pati bintana na nagbibigay liwanag sa loob. Hinaluan pa ng white at earth tone color na ginawang mas resort-like ang kanilang bahay.

Isa sa pinaka paborito nilang lugar ng mag asawa ay ang maliit nilang sulok na mayroong maliit na marble roundtable at dalawang upuan kung saan sila nag uusap , umiinom ng kape habang tinatanaw ang kanilang bakuran. Ang kanilang secret passage na nagdudugtong sa kanilang bahay. Ang mala tulay nilang bahagi ng bahay ay pwede maging sitting area, nap nook o kaya naman lugar kung saan pwedeng magpahinga at tumugtog ng gitara. Ang gilid nito ay may jalousie dahil binibigyan nito ng maraming liwanag at pinapanatiling malamig at mahangin ang bahay.

Ang outdoor area naman ng mag asawa ay magandang lugar para sa mga party at celebration dahil mahilig ang dalawa na mag-imbita ng kanilang kaibigan sa bahay para sa kanilang get together at Barbeque nights habang nag rerelax sa long table at wooden benches sa tapat ng swimming pool.

Perfect ang lugar sa quality time ng mag-asawa.Pwede silang humiga at mag relax ,mag swimming o inumon ng mga refreshments habang napapalibutan ng mga halaman at outdoor furniture para gawin itong mala beach or resort like.