Isang Jollibee Crew ang Viral ngayon nang Subuan nya ng Pagkain ang isang Matanda Sa Qatar

Alam natin na madali lang maging tao pero mahirap mag pakatao.Itinayo ni Russell ang bandera ng pilipino sa kanyang pagkawang gawa.Ayon sa netizen na si Marie Grace De jose na isa ring pinoy. Nasilayan niya ang na heartwarming sa kanilang pagkain isang araw sa Jollibee Matar Qadeem Branch.Binahagi niya sa buong mundo ang kagandahang asal ng mga pinoy. Sa kanyang tuwa ay vinideohan niya ang lalaking ito at binigyan ng appreciation post.

Nag dinner kami ng husband ko dito sa Jollibee Qatar sa matar qadeem branch at eto ang nakita ko!! sa ganitong pag kakataon nakaka proud maging pinoy!! kahit saang parte ng mundo the best parin ang pinoy at ang Jollibee!!! bida ang saya!! kudos to you sir Russell Manalastas service crew of Jollibee-Matar Qadeem branch.”

“Not all heroes wear capes” Kahit sa paggawa ng simpleng bagay pwede na tayong maging bayani sa ibang tao. Sa simpleng tulong at kawang gawa , pinatunayan ni Russell Manalastas na ang mga pinoy ay likas na matulungin. Si Russell ay isang overseas filipino worker sa fastfood chain na Jollibee kahit hindi kasama sa trabaho ng pagiging crew ,tinulungan niya ang kanilang matandang customer dahil nahihirapan ito sa pagkain.Hinahati niya ang pagkain sa maliliit na piraso at ipapakain sa matanda.

Ito ang ilan sa mga reaction ng ilan nating kababayan:
“God Bless you Kabayan! Kahit ibang lahi yung sinusubuan mo, ipinakita mo ang tunay mong busilak na kalooban! ”
“ayos pre hndi mo pinabayaan siya mag isa kumain at ginabayan mo saludo ako sa pagtao mo sadyang matulungin ang pinoy”
“Panalo ka kuya Indeed a good example to all”
“Wow nakakataba ng puso talaga ginawa mo kabayan talagangnpusoy pinoy godbless you po and more blessing”
“The best ka bro Hope marami kang katulad sana sa jollibee management i promote niyo napo ang taong to.godbless”

 

Video Credits: Pilipino Star Ngayon