Mga Mura at Magagandang Damit handog sa inyo ng Taytay Tiangge. Mula sa Taytay Rizal, ang “Garments Capital” ng Pilipinas.

Ngayong kapaskuhan ay uso nanaman ang mga tiangge at mga tindahang bagsak presyo. Isa sa mga hinahanap ng mga Pilipino sa panahong ito ay mga mura ngunit dekalidad na mga damit, at iyan nga ang meron sa Taytay Rizal ang tinaguriang “Garment Capital of the Philippines” at mayroon ditong isang natatanging tiangge na kung tawagin ay Taytay Tiangge.

Dito makakahanap ng mga damit na gawa sa dekalidad na materyales ngunit ang presyo ay abot kaya at pangmasa, ang presyo nga ng ibang bilihin ay halos kalahati lang ng mga presyo sa ibang tiangge o palengke.

Kapag nabanggit ang murang presyo marahil ang unang papasok sa ating isip ay Greenhills, Divisoria at Baclaran ngunit di hamak na mas maraming mapagpipilian sa mga tindahan sa Taytay Rizal.

Ang mga tiangge dito ay bukas Lunes hanggang Linggo 8:00 am to 6:00 pm at nagbubukas naman ang night market tuwing Lunes at Huwebes 5:00 hanggang Alas dose ng gabi. Ito ay matatagpuan sa Manila East Road, Don Hilarious Ave., Baranggay San Juan, Taytay, Rizal. Malapit into sa Club Manila East, Taytay. Narito ang ilang mga patnubay bago pumunta ng Tiangge sa Taytay.

Magkaroon agad ng nakahandang lista ng iyong mga bibilhin. Magdala ka ng sarili mong eco bag o lagayan ng iyong mga bibilhin. Siguraduhing malaki ito para mailagay mo ang lahat ng bibilhin mo. Maging maingat sa mga dalang gamit lalo na ang mga katawan, Kung maaari na gumamit ng sling bag at laging ilapit ito sa katawan mo.

Iwasang magsuot ng mga alahas at mamahaling palamuti sa katawan mo dahil talamak ang mga insidente dito ng nakawan.Magsuot ng komportableng damit.dahil dito ay siksikan at napakainit. Laging siyasatin ang bawat sukli sa tuwing may binili ka. Maaring kang magdala ng maliit na calculator o mumurahing keypad na cell phone. Magdala lamang ng sapat na halaga ng pera para sa pamimili at sa mababang halaga.

Ang mga tinda dito ay walang etikita kaya mahalagang magtanong sa mga tindera roon. Maraming mabibili ritong overrun katulad ng sa Divisoria ngunit dito sa Taytay ang pakyawan ay nagsisimula sa tatlong piraso di tulad sa ibang tindahan na sa kalahating dosena nagsisimula ang presyong pakyawan. Habang namimili mahalagang maging makilatis at magbaon ng pasensya para sa pakikipagtawaran sa mga tindahan sa Garments Capital of the Philippines.