Ang Pagdadala ng Mabibigat na Gamit sa Backpack ay Maaring Magdulot ng Masamang Epekto sa Likod ng mga Bata

Bilang estudyante na-eexperience mo ba magdala ng mabigat na bag and luggage? Nararanasan mo ba ang pagsakit ng likod mo? Gusto ko sa inyong ibahagi ang aking karanasan tungkol sa pagbubuhat ng mabibigat na gamit at kung ano ang naging epekto nito sa akin. Bilang isang normal na estudyante ay normal na din sa ating ang pagbubuhat ng mabibigat na bag dahil ang laman nito ay requirements ng ating paaralan ganun din sa mga nagtratrabaho nararanasan din nila ito.

At hindi maiiwasan na may mga pag-sakit sa likod tayong nararamdaman. Ngunit papaano kung ang pananakit pala sa likod na nararamdaman natin ay mas malala pa palang sakit. Alamin sa kwento ng isang Facebook User kung ano ang epekto ng pagdadala ng mabigat na gamit.

Naranasan ko mismo noong ako ay nasa first year highschool, nung una ay hindi ko ito sinasabi sa mga magulang ko ngunit dumalas ang pagsakit ng aking likod hanggang balikat hanggang sa umaabot na din sa batok ko yung sakit.

Pinaalam ko na ito sa aking mga magulang na nag-alala sila kaya naman pinacheck-up nila ako agad. Nung nagkonsulta kami sa doktor sinabi niya nga na dapat ko ngang bawasan ang gamit sa loob ng bag ko dahil nagkaroon ako ng muscle spasm dahil sa sobrang bigat ng gamit na dinadala ko sa paaralan. Ang muscle spasm ay paninigas ng muscle dahil sa dehydration, fatigue and electrolyte.

Dahil dito ay nirestahan ako ng doctor ng anti-depressant na gamot na makakapagparelax ng mga muscle ko. Ang isa pang pwedeng maging epekto ng pagdadala ng mabibigat na gamit ay pagkakaroon ng scoliosis. Ang scoliosis ay pagkakaroon ng kurba sa spinal chord. Hindi makikita agad ang epekto ng pagkakaroon ng scoliosis kaya naman mas maganda magkaroon tayo ng prevention sa ganitong klase ng sakit. Ang mga symptoms nito ay ang mga sumusunod -hindi pantay na balikat -hindi pantay na balakang -mas mataas ang isang balikat – mas mataas ang isang baywang nagkakaroon ng ganitong kondisyon ang mga estudyante dahil sa pagdadala ng mabibigat na gamit.

Sa una ay hindi ito makikita ngunit habang tumatagal ito ay laging mapapansin ang laging pag-dadaing ng mga bata sa kanilang magulang sa pag-sakit ng kanilang likod. Ang pagpapadala ng mabibigat na mga gamit sa mga estudyante lalo na sa elementary grade level pababa ay nararapat lamang na bigyang pansin upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga nasabing sakit. Ang mga magulang, guro at ang paaralan ay dapat magkaroon ng kamalayan sa pagpapadala ng mabibigat na gamit sa mga estudyante. Dapat ay magkaroon ng mga lockers ang mga schools upang maging lalagyan ng mga gamit ng mga estudyante. Makakatulong ito upang makabawas sa bigat ng mga gamit ng mga estudyante. Dapat din agad iconsult sa doctor agad kung may nakikita tayong signs sa sa mga bata upang malaman agad natin kung ano ang sanhi ng kanilang nararamdaman.