Bakit Mas Mabuting Matulog ng Walang Unan sa Ulo?

Ang pagtulog ng may unan ay komportable pero ito nga ba ay nakakabuti para sa katawan?
Mahilig ka bang matulog ng may malambot na unan o kaya naman yakap yakap? Ito ang ilan sa mga rason at pag-aaral upang patunayan na ang pagtulog ng walang unan ay nakakatulong sa katawan.

1. Mababawasan at mapipigilan ang pagkakaroon ng Acne, pimples at wrinkles.
Ang hindi paggamit ng unan ay maaring makapigil sa pagkakaroon ng acne at wrinkles. Ang punda ng unan ay maaring punong puno ng dumi, bacteria at alikabok na maaring dumikit sa iyong muka at makadagdag pa sa pagdami ng Acne.

2.Back Pain
Kapag kadalasang nakakaranas ng sakit sa likod. Unang gawin ay ayusin ang paghiga sa pamamagitan ng pagtanggal ng unan sa pagtulog. Isa sa mga rason kung bakit nakakaranas ng sakit sa likod ay ang paggamit ng matigas o makapal na unan. Sa pag tanggal nito ay maibabalik ang natural na kurba ng spinal cord.

3.Mas maganda at maayos na pagtulog.
Ayon sa pag aaral nakakatulong pa ang hindi paggamit ng unan kapag natutulog dahil napipigilan nito na maistorbo ang tulog o kaya naman matulog ng may insomia at paputol-putol na gising.

4. Mapigilan ang pagkakaroon ng stress.
Ang pagtulog ng maling posisyon ay nakakadulot ng stress sa katawan at maaring mawala ang pagtulog mo ng maayos at nasa oras. Kaya naman kapag walang unan ay wala rin rason para maiba o mamali ang posisyon mo sa pagtulog.

5.Napapatalas ang Memorya.
Pinaka-abala ang utak kapag ito ay natutulog dahil inaayos nito ang mga impormasyon at memorya na natutunan kaya kapag hindi makatulog ng maayos ay nalilimitahan ang pagpapatalas ng memorya.

6.Mapipigilan magkaroon ng Flat Head Syndrome ang mga sanggol.
Kapag ang sanggol ay natulog sa malambot na unan sa matagal na oras ay maari silang magkaroon ng Flat head syndrome. Sa kondisyon na ito, ang ulo ng bata ay maari maging flat dahil na rin malambot pa ang hugis ng ulo ng bata , maari pa itong magbago dahil na rin sa epekto ng unan kaya naman wag bigyan ng unan ang bata. Hindi rin naman makakaapekto ito sa pagtulog ng sanggol.

7.Mapigilan ang pagkakaroon ng neck sprains sa mga sanggol.
Kapag napahaba ang tulog ng sanggol, mataas ang tyansa na ang unan na nakalagay sa ulo ng bata ay makadulo ng ngalay sa leeg. Hindi mangyayari ito kapag maganda ang dinisenyo ng unan para sa bata pero kadalasan hindi maayos ito. Ang maayos na paggamit ng unan ay nakatapat sa leeg at ilalim na likod na magagawa lang kapag maganda ang disenyo ng unan. Paggamit ng maling unan ay makakadulot lang ng sakit sa leeg, balikat at likod.

Kaya naman mabutihing pumunta sa iyong doktor upang malaman ang pinaka angkop na unan para sa inyong pagtulog kung dapat ba ay napakalambot o napakatigas na unan ang dapat gamitin.