Mga Artistang Sumikat noon na pinili ang mas Simpleng Buhay Ngayon

Jao Mapa

Source: Instagram

Si Jao Mapa ay kilala sa kanyang Pepsi-Cola advertisement at nagsimulang pumasok sa modeling ng 1990’s, Naging co-host din siya sa sikat na shows, ang Eat Bulaga at ASAP. Nagpahinga siya sa showbiz career para bumalik sa pag-aaral ng Degree in Fine Arts Major in Advertising sa University of Santo Tomas. Ang dating actor, ngayon ay isa ng Art teacher sa International School sa Makati.

RJ Padilla

Source: Instagram

Siya ay half brother ng Kapamilya Star at multi awarded actor na si Daniel Padilla. Si Rj ay dating kasama sa comedy show, “Bubble Gang”. Ngayon ay nasa Australia siya kasama ang kanyang asawa at anak. Nakakuha na din siya ng lisensya para magka-operate ng Forklift Machine.

Beth Tamayo

Source: Instagram

Ang dating actress ay kasama sa mga palabas na Pedrito Masangkay: Walang bakas na iniwan (1994) ,”Proboys”(1995) at Babangon ako’t dudurugin kita (2008). Sa kalagitnaan ng kanyang kasikatan bilang actress noong 90’s ay bigla siyang nawala sa showbiz. Napag-alaman na lang na dati siyang nagtrabaho bilang baby sitter sa US at ngayon ay isa ng Office Admin Staff.

Kim Delos Santos

Source: Facebook

Ang dating sikat na teen star na katambal ng actor na si Dino Gueverra ay nagtatrabaho na sa United States bilang isang Dialysis Nurse.

January Isaac

Ang babaeng kilala sa kanyang sikat na commercial ng Surf ang “Lumen—Wais na Misis” na tumatak sa mga telebisyon noong 1997 hanggang 2015. Siya ay nasa US na ngayon kasama ang kanyang amerikanong asawa at dalawang anak. Ngayon ay nagtatrabaho siya bilang isang Front End Lead sa outdoor equipment store na may pangalang Cabella’s.

BB Gandanghari

Source: Instagram

Ang dating Rustom Padilla na kilala na ngayon bilang BB Gandanghari. Kapatid niya si Robin Padilla at Rommel Padilla na parehas ding actor. Sumali siya sa sikat na reality tv show sa ABS na “Pinoy Big Brother Celebrity edition” noong 2006 at sa pagdating ng 2009 ginulat niya ang mga tao sa pagpasabog niya ng balita na siya ay isa ng Transgender Woman at pinalitan ang pangalan na BB GandangHari.

Ngayon ay nagtatrabaho siya bilang Uber Driver sa US habang itinutuloy ang kanyang career bilang isang artista sa Hollywood.