Isang Matulunging Lalake ang Nagbibigay ng Limos sa isang Batang Madungis. Di nya alam na ang Binibigay nyang pera ang Magiging daan para Sya ay Makapag-aral.

Ang lalaking tampok sa videong ito ay isang normal na tao. Nagpapakahirap magtrabaho upang makalampas lang sa araw araw.

Natapunan siya ng tubig galing sa taas ng bahay at imbis na magalit ay inilagay niya ang isang paso ng halaman sa binabagsakan nito.


Nagkusa siya at tinulungan ang isang matandang tindera sa pagbuhat ng kanyang karton. Palagi niyang dinadalhan ang matanda niyang kapitbahay ng saging sa pintuan nito.

Sa karinderya kung saan siya laging kumakain ay may isang asong lumapit sa kanya para humingi ng makakain. Imbis na itaboy ang aso dahil nakakaistorbo ito sa pagkain ay hinatian nya pa ito ng kanyang ulam na fried chicken.

Nakakita siya ng mag-inang namamalimos sa kalsada para sa pag-aaral ng kayang anak. Ang lalakeng ito ay hindi nag dalawang isip na magbigay ng pera.

Maraming ibang tao na nakakakita ng kanyang ginagawa. Minsan pa ay iniisip nila na sa sobrang bait ng lalaking ito ay niloloko na lang siya ng ibang tao o kaya naman nasasayang ang kanyang kabutihang loob. Ano nga ba ang nakukuha niya sa paggawa nito araw araw?

Sa totoo ay wala siyang nakukuhang kapalit. Hindi rin siya magiging mayaman. Hindi rin siya magiging sikat at lalabas sa telebisyon.

Makalipas ang ilang araw na paulit ulit ng paggawa ng kabutihan sa kapwa, ang paso na itinapat niya sa umaagos na tubig ay namulaklak. Ang aso na kanyang palaging binibigyan ay alaga at kasama na niya sa bahay. Sa kanyang pagdaan kung asan namamalimos ang mag-ina , hindi niya nasilayan ang bata siguro ay may nangyaring masama rito pero maya maya pa ay lumabas ang bata na nakasuot ng uniporme dahil nakakapasok na sa iskwelahan.

Hindi maipinta ang mukha ng lalaking iyon ng makita ang bata pati na rin ang mga taong nakakakita sa kanya na inaakalang sinasamantala lang ng ibang tao ang kanyang kabutihan.

Ang nakukuha niyang kapalit sa mga taong natulungan niya ay ang mga emosyon. Nasisilayan niya ang kasiyahan at pagmamahal. Ang natatanggap niya pabalik ay ang mga bagay na hindi nabibili ng pera at dahil dito ginawa niyang makulay at maganda ang mundo sa kanyang mga taong natulungan.