Naalala nyo pa ba si Nikki Gil? Ang model, artista at VJ noon ay meron ng asawa at anak matapos mawala sa showbiz ng matagal na panahon

Ang kapamilya singer, host, actress at model ay masaya na sa pagiging mommy at asawa sa kanyang non-showbiz husband. Maaalala natin si Nikki Gil sa kanyang Coca-cola commercial na nagdala sa kanyang kasikatan noong 2000’s.

Pagkatapos ang kanyang pag debut gamit ang maganda niyang boses, naging abala siya sa kanyang singing career. Hindi nagtagal ay naglabas siya ng album at isa dito ang hit single niyang “Sakayan ng Jeep” at “Glowing Inside”.

Hindi lang pagkanta ang kanyang pinagkaaabalahan, isa rin siya sa mga sikat na MYX music video jocks ng kanyang kapanahonan at host ng MYX shows sa loob ng isang decada. Naging kasama siya sa mga television shows katulad ng “Carlo J Caparas’ Pieta “, gumanap na Princess Punzalan sa afternoon drama na “Nagsimula sa Puso”, “Rounin”, “Pangarap na Bituin” at “Hawak Kamay”.


Nagkaroon din siya ng maraming Awards, Nominations at recognitions sa industry. Best Actress sa Broadway World Philippines Awards noong 2011 at Best Single Performance by An Actress for Maalaala Mo Kaya: Ilog sa PMPC Star Awards for Tv noong 2013.Mga nominations sa local at international film festivals.

Ang career ni Nikki ay nakilala din sa international industry lalo na ng Walt Disney Records. Binigyan siya ng task para maging kasama sa “High School Musical” music video at mag perform ng tagalog version ng “It’s a Small World” sa grand opening ng Hong Kong Disneyland.


Sa kalagitnaan ng kanyang kasikatan, nakipag-date si Nikki sa kapwa kapamilya tv host na si Billy Crawford sa kasamaang palad hindi sila nag tagal at sinabi ang kanilang breakup sa interview ni Nikki sa Cosmopolitan Magazine noong 2013.

Ngayon ang dalawa ay kasal na sa kanilang mga asawa. Si Billy ay nagpakasal na kay Colleen Garcia at si Nikki naman ay kasal sa kanyang non showbiz husband na si BJ Albert.

Silang dalawa ngayon ay may anak na nagngangalang Finn.

Ngayon ang pinagkakaabalahan ngayon ng dating host ay ang kanyang blog site na Nikkigil.com kung saan nag babahagi siya ng mga istorya sa kanyang buhay, pamilya, career at mga travel.