Mga Benepisyo sa pagtulog na walang suot na Underwear, ibinahagi ng Eksperto.

Nakakasama ba o nakakabuti ang hindi pagsuot ng underwear sa mga babae sa pagtulog?

Kadalasan may dalawang uri ng pagtulog ang mga babae : Una ay ang mga nag susuot ng pajama at pangalawa naman ay ang mga natutulog ng walang underwear. Hindi mo iisipin at aakalain pero sabi ng mga eksperto ang pagtulog ng walang suot ng underwear ng mga babae ay nakakabuti para sa kanilang vagina.

“You really should sleep without underwear if you’re prone to vaginal issues,” sabi ni Nancy Herta isang M.D Ob-gyn sa Michigan State University. Nagbigay ng magandang rason para suportahan ang sinasabi niya. Binanggit ni Herta na ang vigina ay madaling kapitan ng moisture dahil dito nahaharangan ng underwear ang moisture na nagiging sanhi ng pagdami ng mga bad bacteria sa katawan na nagdudulo ng mga sakit. Kaya naman nakakatulong ang pagbigay ng space para makapasok ang hangin para gawin itong tuyo at malinis.

Sinuportahan din ni Pari Ghodsi isang board certified ob-gyn na kung palaging nakakaranas ng yeast infection ay makakatulong ang pagtulog ng hindi pag suot ng underwear. Kung mag susuot naman siguraduhin na loose cotton pajamas pants at walang panloob.

Kung hindi nyo gusto ang walang suot na underwear sa pagtulog ay magandang magpalit sa loose-fitting cotton underwear. Nakakatulong ang cotton sa pagsipsip ng moisture upang hindi maipon. Ang silk at lace ay maaring makairita sa iyong balat at vagina. Sinabi ni Ghodsi na kung nagsusuot ng silk o lace na underwear buong araw ay mabuti na magpalit bago matulog.

Pang huli ay kung hindi naman makatulog ng maayos kahit walang suot na underwear, wag mag-alala dahil wala naman problema rito. Binanggit ni Ghodsi na magiging ayos din kapag ipinagpatuloy mo lang iyon.