Ilang mga paraan upang tunawin ang kidney stones sa ating katawan

Ang kidney stones ay isang bagay na madali maiwasan, ngunit ganun din kadali makuha.

Mula sa simpleng pagiging pabaya tulad ng hindi pag-inom ng tamang dami ng tubig sa isang araw, hanggang sa mas seryosong bagay na hindi basta-basta maiiwasan tulad ng sobrang Vitamin D at ilang mga sakit tulad ng Urinary Tract Infection o UTI, Hypercalciuria o sobrang taas na lebel ng calcium sa ihi, Renal tubular acidosis na nagbubunga ng acidic na ihi, gastric bypass surgery na nagbubunga ng calcium oxalate kidney stone disease dahil sa hyperoxaluria o ang sobrang paglabas ng oxalate sa ihi, kakaunting ihi, at hypocitraturia, o ang mababang lebel ng citrate sa ihi, at iba pa.

Ito ang ilan sa mga remedyo na maaari mong gawin kung ikaw man ay nakakaranas ng kidney stones.

Mayroong tatlong metodolohiya na maaaring sundin upang maibsan ang kidney stones. Ang tatlong metodolohiyang ito ay una, pagsolba sa kidney stones gamit ang medical procedures, pangalawa, paggamit ng homemade na remedy, at pangatlo, paghingi ng tulong mula sa mga eksperto.

Unang metodolohiya, ang pagsolba gamit ang mga medical procedures. Una sa metodolohiyang ito ay ang paggamit ng mga gamot, ganoon lamang kasimple.

Kung ikaw ay nahihirapan na kahit sa maliliit lang na kidney stones, maaaring magbigay ng prescription ang iyong doktor sa mga gamot na maaari mong inumin.

 

Pangalawa ay ang pagsasagawa ng extracorporeal shock wave lithotripsy (SWL). Isa itong mabisang paraan ng pagbibitak ng malalaking kidney stones gamit ang mga sound waves, ngunit kaakibat nito ay malubhang pananakit habang isinasagawa ang treatment na ito, pati na rin pagkatapos, na maaari namang mag-iwan ng mga pasa at lalong malubhang sakit habang nilalabas mo ang nabitak na kidney stones.

Ikatlo ay ang pagsasagawa ng surgery na direktang magtatanggal ng kidney stones, maaari itong percutaneous nephrolithotomy surgery kung saan gagawa ng maliit na hiwa sa iyong likuran at kukunin ang mga kidney stones, o ang ureteroscope kung saan ipapasok ang isang scope sa iyong ureter para paliitin ang mga kidney stones mo. Pareho itong masakit at nangangailangan na magpalipas ng gabi sa ospital matapos ang mga prosesong ito.

 

Panghuli, maaari din namang isagawa ang thyroid treatment kung ang nararanasan ng pasyente ay calcium kidney stones, na bunga ng hyperparathyroidism, kung saan ang parathyroid gland ay sobra ang ginagawang produksiyon ng parathyroid hormone.

Ang pangalawang metodolohiya naman ay ang paglunas ng kidney stones sa bahay.

Una sa lahat ay ang pag-inom ng tubig, madaming tubig. Kung nararamdaman moa ng iyong kidney stones ngunit hindi naman ito kumikirot, karaniwan na ipapayo ng doktor ay ang pag-inom ng madaming tubig.

Kung ang iyong ihi ay klaro, pinapakita nito na ang iyong katawan ay tama ang dami ng tubig na nakukuha.

Pangalawa, ibahin ang iyong diyeta para lumiit ang mga bato sa kidney. Kung mayroong calcium stones, tigilan ang pagkain ng mga pagkain na mataas sa asin, mataba, talaba, tokwa, mga dairy products o mga produktong sagana sa calcium tulad ng gatas at keso, at iba pa.

Kung uric acid stones naman ang mayroon ka, iwasan ang pagkain sa atay, sardinas, mga balatong tulad ng sitaw at garbansos, mga mushroom o kabute, cauliflower, alcoholic na mga inumin, at iba pa. Ikatlo, ugaliing uminom ng mga inuming mayroong lemon, o kahit kalamansi. Ang pag-inom ng mga ganitong klase ng inumin ay makatutulong sa pagtitigil sa pagbuo ng kidney stones.

Pang-apat, subukan ang mga herbal na lunas tulad ng mga tsaa. Ilan sa mga tsaa na makakalunas sa kidney stones ay Birch Tea Leaf, Black Tea, Nettle Leaf, Dandelion root, at iba pa.

Pangatlo at huling metodolohiya ay ang pagtingin sa pinakamainam na solusyon sa iyong kasalukuyang sitwasyon. Una, alamin kung totoong mayroon kang kidney stones. Ang pinakamainam na paraan ng pag-aalam nito ay ang pagbisita sa iyong doktor, para na rin ikaw ay makakuha ng imaging test na makakatulong sa pagtingin kung gaano kalaki ang iyong kidney stones.

Pangatlo at panghuli, pag-alam kung anong klaseng kidney stones ang mayroon ka. Iba-iba ang kidney stones na maaari nating makuha, mayroong Calcium stones na pinakakaraniwan sa lahat, Uric acid stones na nabubuo dahil sa sobrang dami ng acid sa ating ihi, Struvite stones dahil sa mga impeksiyon sa ating urinary tract, at Cystine stones na dulot naman ng angkan mo. Mayroon ka man kidney stones o wala, magsilbi sana itong paalala na tuluyan nating alagaan ang ating mga katawaan at ugaliing uminom ng tamang dami ng tubig araw-araw.

Credits:Wikihow