Kitang-kitang sa mga Artistang ito ang Pagbabago ng kanilang Itsura pagkatapos maging sikat sa Mundo ng Showbiz

Mayroong kasabihan sa Ingles na “Big things from humble beginnings”, at tama naman ito sa lahat ng pangyayari sa ating buhay. Mga sikat ngayon ay dati ding nag-aral sa paaralan, meron ding hindi nakatapak sa eskuwelahan pero nagpursigi para makarating sila sa kinaroroonan nila ngayon. Totoo din ito sa mga artistang iniidolo natin sa kasalukuyan, ngunit alam ba ninyo na ilan sa kanila ay ibang-iba na ang itsura sa ngayon? Ito ang sampu sa mga artista na mula nang sumikat at nag-iba ang kanilang buhay ay nag-iba din ang kanilang itsura.


Number 1, Angeline Quinto na aminadong siya ay nagsagawa ng maraming plastic surgery para maipaayos ang kaniyang itsura sa kaniyang kagustuhan.

Mula sa simpleng Pilipina hanggang sa artistahing mukha na iniidolo ng mga tao ngayon. Ang mga surgery na isinagawa niya ay Gum Treatment, Gum Re-contouring, Extraction of Third Molars, Bleaching, at Veneer Frabrication, ngunit tumanggi magsagawa ng Rhinoplasty. Siya ay sumikat nang manalo siya sa talent search na “Star Power” noong 2011.

Number 2, Sarah Lahbati, na mula sa isang cute bubbly teen na ngayon ay binansagang hot momma salamat sa teknolohiya at cosmetics.

Nagsimulang makita ang kaniyang pag-iiba mula noong nagpalit siya ng network.

Number 3, KZ Tandingan, na noon ay nanalo sa talent search show na “X-Factor” Philippines noong 2012 sa ABS-CBN.

Ngayon ay kitang-kita na mas sopistikado at fierce sa kaniyang pagbabago sa itsura at sa kaniyang mga performance.

Number 4, Alodia Gosiengfiao, na kilalang-kilala at iniidolo sa mundo ng mga cosplayers.

Naging parte din siya ng showbiz world ngunit kalaunan ay pinagtuunan niya uli ng pansin ang cosplaying. Kilala siya bilang “Cosplay Goddess” ng kaniyang mga fans.

Number 5, Kim Chiu, na sumikat bilang pinakaunang panalo sa Pinoy Big Brother ng ABS-CBN.

Salamat sa social media, ang kaniyang mga plastic surgery sa kaniyang mukha, lalong-lalo na sa ilong, ay binabatikos ng mga netizen. Ngunit tuluyan niya itong tinatanggi at sinasabi na dahil ito sa kaniyang pagdadalaga at salamat na din sa make-up.

Number 6, Erich Gonzales, na nagsimula ng kaniyang showbiz career mula nang siya ay 14 anyos lamang, noong sumama siya sa reality talent search “Star Circle Quest”.

Maganda na siya mula noong simula, ngunit makikita sa kaniyang kagandahan na mayroon pa siyang mailalabas matapos ang kaniyang makipagbreak-up kay Daniel Matsunaga. Matapos din ng kanilang break-up, nakita din natin ang kaniyang bagong short hairstyle.

Number 7, Vice Ganda, na kilala dati bilang kabayo, na ngayon ay isa sa mga pinakainspiring na artista at TV show host na gustong ipakita at ipaalam na para maging maganda, kailangan mong tanggapin ang iyong kapangitan at idagdag ito sa iyong kagandahan.

Hindi rin siya takot na aminin na siya ay nagsagawa ng plastic surgeries sa Belo medical group.

Number 8, Kris Bernal, na nagsimula bilang parte ng Starstruck sa ilalim ng GMA network.

Mula sa pagiging chubby, siya ngayon ay nakikita bilang mas sexy kaysa dati, na mula sa magandang dalaga sa isang mas sopistikadong babae.

Number 9, BB Gandang Hari, na isa sa mga pinakanakakagulat at hindi inaasahang pagbabago sa mundo ng showbiz,

mula sa action star na si Rustom Padilla na kasama ang kaniyang kapatid na si Robin ay gumagawa ng mga stunt scenes na ngayon ay si BB Gandang Hari na buong pusong Pilipina.

Number 10, Arci Munoz, na nagsimula sa showbiz noong pagpasok niya sa ikatlong season ng reality talent show “Startstruck” noong 2005.

Maraming mga netizens na nagulat sa kaniyang paglipat ng network mula GMA papuntang ABS-CBN. Ngayon, siya ay tinatawag na isa sa mga pinakamagagandang mukha sa showbiz industry.