Mga Anak na Babae ng mga Artista na hindi makikita sa Showbiz gaya ng kanilang mga Magulang.

Alam ng lahat na para maging parte ng mundo ng showbiz, kailangang maganda at gwapo ang mga taong naghahangad na maging artista. Inaasahan din na kung magkaanak man ang mga artistang napakaganda at napakagwapo, ang kanilang mga anak din ay magiging kahawig nila. Ito ang sampu sa mga anak na babae ng mga artista na piniling hindi pumasok sa mundo ng showbiz tulad ng kanilang mga magulang.

10. Kaila Estrada, anak nila Janice de Belen at John Estrada na ipinanganak noong 2996. Siya ang kapatid ng GMA teen star Ina Estrada at kahit na hindi siya isang artista, isa naman siyang model at ambassador ng SM Youth.

9.Margaret Fiona Planas, ipinanganak noong 2002, anak ni Karla Estrada at Mike Planas. Kapatid niya naman ang isa sa pinakakilalang artista ng ating henerasyon na si Daniel Padilla.

8.Ara Dabao, na anak nila Ricky Dabao at Jackie Lou Blanco. Ngayon ay 20 anyos at nag-aaral sa Ateneo de Manila University at dahil dito ay wala pang balak na pumasok sa mundo ng showbiz.

7.Jayda Avanzado, ipinanganak noong 2003 at anak ng singer/actress Jessa Zaragoza at singer din na si Dingdong Avanzado. Katulad ng kaniyang mga magulang, isa rin siyang aspiring na singer. Bukod pa dito, siya din ay isang model at nafeature sa isang issue ng Yes Magazine.

6.Alyssa Gibbs, na anak ng tanyag na songwriter Janno Gibbs at Bing Loyzaga. Siya ay co-founder ng streetwear brand na pinangalanang Neo Island. Siya at ang kaniyang kapatid na si Gabby ang mga founder ng Gibbs Guide.

5.Claudia Barretto, ipinanganak noong 2000 at kahit na hindi pa siya artista ay mayroon nang mga fans dahil sa kaniyang ganda at dahil na din sa kaniyang pagiging isang Barretto. Anak nila Marjorie Barretto at Dennis Padilla, ang kaniyang mga kapatid ay sina Julia Barretto, Dani Barretto, at Leon Marcus Baldivia.

4.Sofia Gonzalez Romualdez, 17 anyos na anak nila Cristina “Kring-kring” Gonzales at Alfred Romualdez. Isa siyang aspiring na singer at model at kasalukuyang mayroong 5-year contract sa Viva Entertainment. Siya ay lalong naging sikat noong minsan ay mabastos niya si Leni Robredo, ngunit humingi naman ng paumanhin di kinalaunan.

3.Dominique Cojuangco, anak nila Gretchen Barretto at Antonio “Tonyboy” Cojuangco na ipinanganak noong 1995. Isa rin siya sa mga pinakasinusundan sa Instagram na non-showbiz celebrity daughter, na may humigit kumulang na 519k followers. Siya ngayon ay nag-aaral sa Instituto Marangoni London sa kursong Fashion Design.

2.Juliana Gomez, anak ng tanyag na mga artistang sila Lucy Torres-Gomez at Richard Gomez na ngayon ay kasalukuyang 18 anyos, isang model at mayroong humigit kumulang 318k followers sa Instagram.

1.Maxine Gutierrez, anak nila Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez. Siya ay kapatid ng actress na si Janine Gutierrez. Karaniwan na napagkukumpara sa kapatid niya, siya ay binansagang “Little Janine” ng mga netizen na inaakalang siya ay kambal ni Janine.