POLICEWOMAN, IPINAKITA ANG PAGMAMAHAL SA SERBISYO NANG KARGAHIN ANG ISANG PWD!

Lubos ang papuri at paghanga ng mga netizens sa isang Policewoman nang kumalat sa social media ang kaniyang video na may buhat-buhat na isang Person With Disability (PWD) sa isang sementeryo. Kuha ang video na ito ng isang ABS-CBN Bayan Patroler sa isang sementeryo sa Agusan del Sur nito lamang Nobyembre 1.

Kakaiba ang determinasyon at passion ng policewoman na si PO3 Ginalyn Susi sa Prosperidad Police Station sa Agusan del Sur. Base pa lamang sa larawan, hindi alintana ng babaeng pulis ang init at haba ng lalakarin niya habang karga ang PWD.

Ayon sa lalaki, gusto niyang makapunta sa loob ng sementeryo ngunit madami ang tao at hirap ito sa paglalakad. Nang malaman ito ng mga bantay sa sementeryo at makita ng police woman, agad binuhat ng policewoman ang lalaki nang walang pangundangan at hinatid sa puntod ng mga mahal nito sa buhay. Kita din ang tuwa sa mga mukha ng PWD habang buhat siya ng policewoman. Sino ba naman ang hindi matutuwa kung may butihing tao ang tutulong sayo na walang hinihinging kapalit?

Sa kabila ng hirap na nararanasan ng ating mga kapulisan sa tuwing nagbabantay bilang representante sa mga sementeryo, nagagawa pa rin nilang maglingkod sa bayan.

Madalas na nababalita ang mag pulis sa pagkitil sa buhay ng mga taong sangkot sa mga masasamang gawain, pero di natin napapansin ang magagandang imahe nila. Kung tutuusin ay hindi responsibilidad ni PO3 Ginalyn Susi ang pagtulong sa lalaki, ngunit nanguna pa rin ang pagmamahal sa serbisyo nito at ito nga ang resulta.

Umani rin ng magagandang komento ang butihing aksyon ni PO3 Ginalyn Susi sa social media.

“Wow ang galeng ni ate sana lahat ng pulis ganiyan!!”
“Every country deserves this kind of attitude. All of our policemen at policewomen must have this kind of attitude. Having such kindness, love, and care to others is a must. Hindi yung laki nalang tokhang at pumatay nasa isip nila diba”
“Ganito dapat ang mga uri ng taong tinataasan ang sweldo. Grabe ang pagmamahal ni ate sa serbisyo sa kapwa pilipino!”
“Sana lahat ng pulis ay ganito ang serbisyo sa kapwa. Hindi puro porma ang alam!!”

Patunay lamang ang policewoman na ito na hindi hadlang ang kasarian sa pagsisilbi sa bayan. Kailangan lamang ng purong pagmamahal sa trabaho, serbisyo, at sa bayan. Sana ay magsilbing inspirasyon ang dedikasyon ni PO3 Susi sa pagtulong sa kapwa natin Pilipino. Saludo kami sa iyo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *