Nalula ang mga netizens sa mga Mamahaling damit at bags ni Kim Chiu sa kanyang closet

Ang Chinita Kapamiya star ay dating big winner sa pinoy reality series na “Pinoy Big Brother: Teen Edition”. Pagkatapos niyang lumabas sa bahay ni kuya ay sinuong niya naman ang show business.

Ang Chinita princess din ay kilala sa pagsusuot at pangongolekta ng mamahaling brand ng mga damit sa kanyang closet.

Kaya naman kinagulat ng ibang netizens ang pagbigay ng ilang pre-loved clothes sa kanyang pamangkin na si Raine.

Tuwang tuwa ang pamangkin ng ininvade nya ang closet ng tita. Tanong ng Chinita Princess “How many clothes are you getting?” Sumagot ang pamangkin na “14 lang”.

Nagbonding ang magtita sa pagpili ng damit at sabay pag pose neto ng mala model look.

Sinuot din nito ang ang mga mamahaling bags katulad ng Gucci , Birkin, Loius Vuitton at Chanel Which na nagkakahalagang 100,000 pesos hanggang 500,000 pesos.

Di pa natatapos ang bonding ng dalawa dahil nanood sila ng palabas sa Home movie Theather ni Kim Chui.

Unang lumabas siya sa “Sana Maulit Muli noong 2007 na nagbigay sa kanya ng nominasyon at award sa year’s Most Promising Female Star sa GMMSF.

Matapos ang una niyang break sa showbiz ay nasundan pa ito ng sunod pang melodramas katulad ng “My Girl (2008)”, “Tayong Dalawa (2009)”, “Kung Tayo’y Magkakalayo (2010)”, “romantic comedy My Binondo Girl (2011–2012)”, family drama “Ina, Kapatid, Anak (2012–2013)” at period drama, Ikaw Lamang (2014)”.

Lumabas din sya sa mga films katulad ng “Bride for Rent” (2014) na isa sa pinakamataas na grossing filipino film of all time na kumita ng 326 million sa box office nito.

Ang ilan pa sa mga high profile films ng Chinita Princess ay ang “I Love you, GoodBye ” (2009) at “Bakit hindi ka crush ng crush mo” (2013) kasama ang on screen partner na si Xian Lim.
Nakatanggap ulit siya ng PMPC Award para sa Best Drama Actress at apat na nominasyon sa FAMAS Awards.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *