Nag top 1 sa Naval Architecture Board Exams, isa palang beneficiary ng pantawid pamilyang pilipino program.Alamin ang nakaka inspire na istorya.

Si Joseph Vincent Satura ay nag top 1 sa katatapos na Naval Architecture Board Exams ngunit hindi basta basta ang kanyang pinagdaanan. Si Joseph ay isang beneficiary ng gobyerno, ito ang 4P o pantawid pamilyang pilipino program na naglalayong bigyan ng pera ang pinakamahihirap na pamilya upang suportahan ang kanilang nutrition at edukasyon.

Source: Cebudailynews

Pinangarap ni Joseph na mag engineer para maiangat ang kayang pamilya sa kahirapan. Sa kasamaang palad ay hindi nila kaya masuportahan ang pag-aaral ni Joseph pero hindi ito naging hadlang para maabot ang hinahangad. Nagsumikap siya mag-aral at nabigyan ng scholarship ng Tsunishi Foundation Inc sa Cebu na isang ship-building Company.

Source:Kami

Kahit wala ang gustong kurso sa listahan ng binibigay na scholarship sa kanya , pinili pa din niya mag aral ng Bachelor of Science in Naval Architecture and Marine Engineering sa Unibersidad ng Cebu.

Source:ABS-CBNnews

Nakaya niyang pagsabayin ang pag aaral sa board exams habang nagtatrabaho hanggang sa naging Top 1 siya sa board exams na may rating na 92.20%. Sinabi niya pa na I didn’t expect to be on top because what my friends and I wanted was only to pass the exam.”

Source:manilabulletin

Talaga nga naman isa si Joseph na inspirasyon sa maraming tao dahil hindi naging hadlang ang pagiging mahirap upang makamit ang inaasam na pangaral at ngayon maari na nya bigyan at iahon ang kayang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *