Beach getaway! 7 Sandbars na may pinong buhangin at malinaw na tubig ang siguradong papatok sa mga bakasyunista.

1.Manlawi Sandbar


Kilala bilang isa sa pinakamagandang Sandbar sa Pilipinas. Matatagpuan sa Caramoan sa probinsya ng Camarines Sur. Ang Malawi ay parte ng Caramoan Island Hopping ilan dito ang Guinahoan Island, Matukad Island, Lahos Island at Cotivas Island. Ang pinakamagandang oras para pumunta sa Manlawi ay sa umaga kapag low tide hanggang tanghali. Pwede rin mag renta ng floating Cottage para sa 200 pesos.

2.Pandanon Island

Pandanon Island ay opisyal na parte ng Bohol at sikat na sikat bilang isa sa Cebu day Trip package destination dahil sa Queen City of the South.

Ang isla at kilala sa sandbars at malawak na white sand beaches nito.

3.Cagbalete Island

Ang Quezon ay may magaganda din beaches pati na rin ang sandbars na nasa Cagbalete Island.

Tinatawag na “Yang-In Sandbar, isa sa dalawang low tide attractions sa Cagbalete. Sa kabilang side nito ang mababaw na tubig na halos pwede mo na baybayin ang buong beach. Sa kabilang dako nito ay ang Yang-In na nahaharangan ng madaming mangrove trees na tinanim ng mga local doon.

4. Snake Island

Kapag Sandbars ang tinutukoy sa bansa, hindi papahuli dito ang El Nido Palawan.

Dito matatagpuan ang Snake Island na may manipis at pakurba na sandbar na pinagkokonekta ang dalawang isla. Pwede mong baybayin ang isang isla papunta sa kabila .

5.Camiguin Island

Ang Camiguin ay kilala hindi lamang sa mga locals pati na rin sa mga foreigners. Ito ay punong puno ng white sand beaches. Maryoon itong white sandbar na makikita at binibisita kapag lowtide. Ito ay may mahabang white sand at kitang kita mo ang iyong foot prints sa paglalakad mo dito. Hindi lang natatapos sa sandbar dahil pwede mo din makita ang mayaman na Marine Sanctuary malapit dito na paborito ng maraming scuba divers.

6.Kalanggaman Island

Ang kalanggaman ay matatagpuan sa Leyte na isa sa pinaka magandang sandbar sa bansa.

Ito daw ang susunod sa Boracay at dahil dito, ang isla ang naging highlight ng tourism sa northwest Leyte. Ang maganda pa dito ay ang hugis ng sandbar ay nagbabago ayon sa dikta ng alon.

7.Cresta De Gallo

Ang Cresta De Dallo ay isang isla sa Romblon. Ito ay napapalibutan ng nakakatindig balahibo na asul na karagatan at puting puti na buhangin sa beach.

Ang maliit na paradisong ito ay may kilometrong haba na sandbar na nagdidikit sa mga isla nito.

Ang sandbar din na ito ay nagsisilbing proteksyon dahil pinahihina nito ang mga alon na sapat para sa mga magswiswimming. Ito ay magandang lugar para makapag relax lalo na kapag sunrise at sunset.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *