Ang napakaraming shoe collections sa malaking closet ni Iza Calzado, ating silipin!

Sa pangunguna ng Preview PH pinakita ng ABS-CBN actress, host at model na si Iza Calzado ang kanyang tinatawag na “My Heaven, my Happy place, my shoe closet.”

Sinabi din ng actress kapag siya ay nalulungkot at kapag gusto nyang sumaya ay pumupunta siya dito at tinitignan ang kanyang mga collection ng sapatos. “Pag minsan when I’m a little sad like I wanna smile, I go here and look at my shoes. I know its a little too mababaw pero I love my shoes.”

Pumili siya ng ilan sa kanyang sapatos na mahalaga sa kanya pati angmay mga magandang kwento.
Una dito ang Celine Bam Bam Slide Sandals na nakuha niya sa Japan noong 2014.

Palagi niya ito ginagamit dahil napakadali nitong suotin. Sumunod ang Givenchy Python Sandals na may snake skin.

Natapunan nya daw ng coco cider at nabasag ang bottle sa loob ng maleta niya kaya nagkaroon ito ng brownish na kulay pero ginagamit niya pa din iyon at patuloy pa din nakakakuha ng compliments. Ang Alaia Bomb Leather Sandals na sa sobrang gusto ni Iza ay palagi netong tinitignan sa internet dahil napakamahal at ayaw nyang gumastos ng malaki. Nang pumunta siya sa Hongkong noong November inabutan niya ang unang araw ng sale sa Harvey Nichols at iyon na lang daw ang natitirang size at sakto pa sa kanya. Sinabi nya na “It was really meant for me and I love it so much” . Pang apat dito ang Manolo Blahnik Hangisi Pumps , binili niya iyon dahil gusto niyang magsuot ng sapatos na may kulay blue. “I love blue. Blue is my power color”. Pinakahuli ang Ruper Sanderson Uriana Leather Sandals na sinuot niya sa Star Magic ball 2014 kasama si Piolo Pascual. “That’s why its memorable kase i got this for Piolo.”

Si Iza ay dating nagtatrabaho sa kabilang istasyon na GMA Network bilang isa sa mga homegrown contract artist. Makalipas ang sampung taon ay pumirma siya ng contrata sa ABS-CBN at Star Cinema.Naging isa rin siya sa mga ambassadors ng Booky na isang local food app and blog noong 2014 at ginawaran ng Yakushi Pearl Award para sa Best Performance nito sa Osaka Film Festival sa kanyang palabas na “Bliss.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *