Ang malamansyong bahay ni Angelica Panganiban, talagang malulula ka dahil meron din itong Elevator!

Kadalasan ang mga bahay ay may hagdanan lang pero sa video na ito pinakita sa bahay ni Angelica na may sarili siyang elavator.

Papunta si Kim Chui sa bahay ni Angelica dahil may party na magaganap sa kanila hindi niya inakala na may sariling elevator pala ang may ari ng bahay na ito.




Ang maliwanag, makulay at mala hotel na disenyo ng kanyang bahay ay mahahalata sa kanyang classy at cozy niyang living room.

Di rin papahuli ang malawak niyang entertainment room na may malaking flat screen tv.

Ang kanyang kusina na kumpleto sa kagamitan at ang garahe kung saan nakaparada ang kanyang magagandang sasakyan.

Si Angelica ay isang actress at comedian. Nagsimula ang kanyang career noong 6 years old pa lang siya ay lumabas siya sa TV show na “Love Note”.



Ang kanyang unang regular na show naman ay “Ang TV” sa ABS-CBN. Ang pinaka kauna-unahan niyang movie role ay ang “Antipolo Massacre” ni Carlo J Caparas. Kasama din siya sa mga palabas katulad ng “Separada” ,” Sarah Ang munting prinsesa”, “Ama,Ina,Anak” na nagbigay sa kanya ng Best Child Actress award at nominasyon sa FAMAS Awards at PMPC Star Awards. Noong 2004 ay nagsimula na siyang sumabak sa mas mature roles.

Pinilahan ang kanyang recent movie na “Exes Baggage” kasama ang katambal na si Carlo Aquino. Maraming nakarelate at naramdam sa kanilang palabas dahil ang dalawang magkatambalan ay mag Ex sa totoong buhay. Ang naturang movie ay kumita ng P142 million sa limang araw. Ngayon kasama siya sa isang tv show sa Prime time ng ABS-CBN, ang play house.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *