Silipin natin ang mala-Department Store na closet ni Dra. Vicky Belo!

Winelcome tayo ni Dr. Vicky Belo at ang anak niyang si Scarlet Snow sa kanilang Closet.


Makikita ang madaming hilera ng mga damit sa loob at malalaking pader na salamin.

Malaking closet na sapat para makalaro ng takbuhan at taguan si Scarlet.

Nakipaglaro pa nga si Baby Scarlet sa video. Sabi pa nga ni Scarlet na “Where’s Mommy” sabay takbo at ginulat ni Doktora.

Si Dr.Vicky Belo ang head ng Belo Medical group na number 1 sa cosmetic dermatology at surgery sa Pilipinas na naglalayong ibigay ang pinakamahusay, pinakaligtas at pinaka-epektibong derma care sa bansa.

Siya ang isang Dermatologist at Doctor sa mga artista lalo na pagdating sa skincare, laser at liposuction.

Pagkatapos niyang makuha ang Medicine at Surgery degree sa University of Santo Tomas at Diploma sa Dermatology galing sa Institute of Dermatology sa Bangkok, nagbukas siya ng pinaka una niyang clinic sa Medical Towers sa Makati noong 1990. Ngayon ay presidente at Medical Director na sya ng pinaka pinagkakatiwalaan patungkol sa pag aalaga ng balat, mukha at iba pa, ang Belo Medical Group na mayroong 12 clinics sa Metro Manila, isa sa Cebu at isa sa Davao.

Nagsimula siyang magpakita ng interes noong bata pa lamang siya noong bata pa lamang kasi siya ay inaasar siyang mataba at pangit. Pagkadating nya sa pagiging teenager nagawa niyang pumayat ngunit nagkaroon naman siya ng problema sa Acne at pimples at dahil dito lumapit at humingi ng tulong sa isang Dermatologist.

“They would tease me that I was given away because I’m fat and I’m ugly. I know I had my own insecurities, but the lesson in my mind when I heard that is that if you’re fat and you’re ugly, they give you away. So… if you’re sexy and you’re beautiful, they love you. I wasn’t really concerned with beauty; it’s just the means to an end of which you’re accepted, you’re kept, you’re loved.”

Ngayon ay kasal siya sa kanyang asawa na si Hayden Kho at may anak na si Scarlet Snow Belo na sikat na sikat ngayon dahil sa kanyang cuteness na pinapakita sa internet. Naging cover feature din si Scarlet ng isang magazine na may title na “Future Of Beauty Scarlet Snow” ng Preview.PH

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *