Malaking Closet at kwarto ni Alex Gonzaga ipinasilip sa mga fans!

Pinatuloy tayo ni Alex Gonzaga sa makulay at maliwanag niyang kwarto. Una ang kanyang bed na may lavender print.

Sinabi nya pa na palagi silang nag sleep over ng mga friends nya doon.

Sumunod naman ang kanyang picture board na punong puno ng mga litrato ng kaibigan, pamilya, mga lugar na napuntahan pati ang off-screen boyfriend na si Mikee.

Maya-maya pa ay nagpakita ang kapatid na si Toni Gonzaga galing sa loob ng Comfort room.

Bumalik ulit sa tour sa kwarto ang host nang pinakita niya ang laman ng kanyang cabinet katulad ng perfume, nail polish , hair clip , stuff toy, balloons at gamit sa past. Sabay pasok na “Let’s not open the past”

Ngayon naman ay lumipat sa bedside table na may gamit na bible, libro at tubig. Binahagi niya din ang paborito niyang author pati ang business ng kanyang ina na Heaven’s Aqua Choice Drinking Water na nasa Taytay Rizal.

Sunod na pinakita ang kanyang entertainment side ang speaker na bigay ni Luis Manzano, ang kanilang paboritong tv series ng kanyang ate na “Friends” tapos ang regalo sa kanya mula sa New Zealand na sheep kasi ganyan daw siya.
Ang picture nila ng ate nya noong galing sila sa Elen DeGeneres.

Pinapasok din tayo sa kanyang toilet room. Pinakita niya ang mga pajamas at ang marami nitong duster dahil mahilig siyang mag suot ng mga ito.

Binahagi nya pa ang kwento sa loob ng bath tub. Isang araw na depress na depress siya ginamit niya ang bath tub nya , ginaya niya ang kadalasang scene sa mga movies. Nagbukas siya ng maraming kandila, naglagay ng maraming bubble bath soap at nag moment siya kaso muntikan niya siya madisgrasya dahil madulas yung ilalim at muntikan na daw siya malunod. 

Di syempre pahuhuli ang laman ng kayang closet. Inayos niya ang laman ng  kanyang closet na ayon sa kulay at uri ng damit.

Ang mga jacket, skirts, blouse, floral, greens, dresses, shoes pati na rin ang maliliit na bag. Hinabol nya pa na bakit hindi nya daw tinatapon yung bagay na yun dahil “Bigay ni Mikee before siya mag japan, hanap kami ng hanap tapos nakakita sya sa japan after nun binigay ko yung labi ko sa kanya” Sobrang sweet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *