MayMay Entrata isa ng cover girl kasama sila Georgina Wilson at Nadine Lustre sa Mega Magazine.

Ang totoong pangalan nya ay Marydale Entrata o kilala sa palayaw na Maymay. Siya ang Big winner sa Pinoy Reality tv show na “Pinoy Big Brother: Lucky 7” kasabay niya ang mga mga celebrity, adults pati na rin teens.

Pagkatapos niyang lumabas sa bahay ni kuya ay nabigyan siya ng chance para makapasok sa pag aartista kasama ang kanyang celebrity partner na si Edward Barber na kasama niya ring tumira sa loob ng PBB house.

Nadagdagan pa ang kanyang career nang magkaroon siya ng tv projects, endorsements, commercial katulad ng Fast food na “Mcdonalds”, Clothing brand na Bench, Vivo na cellphone brand at sabon na panlaba na “Ariel” , movies at sariling concert “The Dream” kasama ang ibang kapamilya stars katulad ni Enchong Dee at Edward.

Pinasok na din nya ang modeling dahil sa kanyang natural filipino beauty kaya naman siya ang napili bilang fashion’s celebrity muse kasama si Nadine Lustre at Geogina Wilson na sikat bilang model, actress at host sa 3rd clycle ng international reality show na “Asia’s Next Top Model. Nagpasalamat si Maymay dahil sa hindi nya inaasahan na makakasama nya ang dalawa sa shoot.

“Sino ba ang mag aakalang makakasama ko sila.”

Ang tatlong magagandang celebrities na kasama sa cover ay magmomodel sa celebration ng 20th Anniversary ng Folded & Hung.

Bago mangyari ang kasikatan na nararanasan ng Kapamilya Star, isa lang siyang simpleng babae na lumaki sa probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *