Ginulat ni Liza ang mga Netizens nang Walang Arte nyang ginawa ang “What’s in the Box Challenge”

Si Liza Soberano ay isa sa mga pinakamaganda at successful na artista sa show business.

Nagsimula siya sa mga palabas na “Wansapanatym (2011) Kung Ako’y Iiwan Mo (2012), She’s the One (2013), Must Be… Love (2013). Nagkaroon din siya ng mga movies kasama ang on screen partner na si Erique Gil. Ito ay ang “Forevermore”, “Just the way you are”, Everyday I Love you and “My Ex and Whys”

Inaabangan din ng lahat ang pagganap niya bilang ang susunod na “Darna”. Talaga namang sobrang daming nakaka appreciate ng mala mestisa look ni Liza nang gawaran siyang top 1 sa international magazine na “100 most Beautiful Faces by TC Chadler ”

Pinatunayan ng Kapamilya star na hindi lang siya basta ganda lang.

Walang arte din sya at matapang nyang hinarap ang challenge.

Kadalasan kapag ang tao na gumagawa ng “What’s in the box Challege” ay natatakot dahil hindi nila alam kung anong kadiri o nakakatakot na bagay na nakalagay sa loob.

Ang unang challenge sa loob ay Kiwi na prutas pero mas ginulat nya pa ang mga tao sa susunod na challege dahil ang laman ng box ay kuliglig.

Kadalasan ang ibang tao ay na babaliw o mag papanic dahil hindi nila alam kung anong hayop ang gumagapang sa kanila at aakalain pa nila itong ipis pero pinakita ni Liza Soberano na matapang siya.

Hindi mo makikita sa mukha nya kahit isang beses na natakot siya sa video.

Pangatlo naman sa loob box ay ang fresh at slimy na pusit at pinakahuli ay ang madaming maliliit na uuod. Inakala nya pa nga na pasta ito.


Ito ang mga reaction at comments ng ilang netizens kay Liza:

“Hahahahaha,so pg my nkita ako ipis bawal mginarte hahahahah”
“I’m not afraid of worms -Liza Soberano 2018”
“Ang swerte ng worm, cricket and squid, nahawakan sila ni Liza hahahaha”
“She so brave ”
“Simula ngayon pag gumapang ung ipis sken ssbhn ko “oohh cockroach” Wala na akong karapatan ngayong umarte huhu”
“Is it alive? … a potato?”I think she’s trying to describe me?”

Ang sponsor ng video na ito ay TechnoMarine Ph na isang international na watch brand. Ang kanilang disenyo ay binase sa mga timepieces na nagpapakita ng kasiyahan at pakikipagsapalaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *