Bus na may sariling TV monitors at banyo papuntang Baguio ang patok sa mga byahero

Kamakailan lang ay nagtungo ako sa Baguio para sa isang seminar. Matapos ang tatlong araw na seminar, pamamasyal, at pamimili ng mga pasalubong ay pumumta na agad ako sa Genesis Bus Terminal para umuwi.

Laking gulat ko nang makita ko ang presyo ng pamasahe sa bus na aking babayaran, 720 pesos mula Baguio hanggang Cubao. Mas mataas ang presyo kumpara sa presyong binadyet ko para sa pamasahe ko pauwi. At dahil kailangan ko nang makarating sa Quezon City ng maaga kinabukasan para sa isa pang seminar, di ko na ito pinansin at nagbayad na lamang.

Sa pagtapak ko sa bus, mas nagulat ako sa aking mga nakita.

Sumalubong agad sa akin ang isang babae na tila isang Flight Attendant na todo ang pag aasikaso. Pagdating sa upuan, mas komportable ang biyahe dahil sa mas maluwang na espasyo na maaari mong ilapat ang iyong mga paa.

Maaari ka rin namang pumili ng swak na pwesto para sa iyo. Kung sanay kang mag-isa at ayaw mo ng istorbo, pumuwesto ka sa kanang bahagi ng bus. Bagay na bagay ito sa mga ‘senti’ moments na napapanood sa TV. Pero kung may kasama ka, pwede naman sa kaliwang bahagi na mayroong tig dalawang bus seat na magkatabi.

Kung ayaw mo naman ng boring na biyahe at hindi mo alam kung paano mapatay ang iyong pagka-inip, may “entertainment system” ang bawat upuan. Pwedeng – pwede kang manood ng mga pelikula o videos, makinig ng iyong music playlist o maglaro ng online games. Yun nga lang, kaunti lang ang iyong mapagpipilian kaya maaari kang magdala ng flash drive na punong puno ng mga favorite movies at music mo dahil may USB port din ito. Diba, instant movie theater na.

Iwas ‘stop-over’ din ang bus na ito. Kung takot kang magutom, wag kang mag-alala. May free biscuit at tubig na ibibigay para pantawid gutom sa biyahe. Pero baka mabitin ka lang, kaya magbaon ka na din ng food at drinks mo para naman magamit mo rin ang tray table at cup holder. Wag ka din mag-alala kung masobrahan ka man sa pagkain at tubig, mayroon din namang C.R sa loob.

Kaya naman mula sa lima o hanggang anim na oras na biyahe, apat na oras nalang ang biyahe mula Cubao at mararamdaman mo na ang malamig na simoy ng hangin ng Baguio.

Hindi ba’t mas mapapa aga ang pagtapak mo sa City of Pines? Maramdaman mo man ang lamig sa loob ng bus, sagot pa rin nila ang warm blanket mo.

Iyan ang JoyBus Premiere Class Bus na handog ng Genesis Transport. Hindi lang mabilis, kundi kumpleto at komportable ka pa. Biyahe pa lang, randam mo na ang bakasyon at pahinga.

Kaya naman, nang malapit nakong bumaba sa bus, nawala na sa isip ko ang ‘out of the budget’ na pamasahe ko dahil sa bagong karanasan ko sa pagbibiyahe.

Pagbaba ko sa bus, doon ko nalang napagtanto na di na pala sapat ang pera ko pamasahe pauwi mula sa Terminal. Buti na lang at may ‘taxi’ para ihatid ako pauwi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *