Sinurpresa ni James Reid ng isang Ferrari si Nadine Lustre noong araw ng kanyang kaarawan

Noong October 31 lamang ay nag-celebrate ng birthday itong si Nadine Lustre at marami ang nagtatanong kung anu kayang ibibigay sa kanya na regalo ng kanyang boyfriend na si James Reid. Si Nadine ay nagsuot noon ng gaya ng isang kalaban ng cartoon characters na Powerpuff Girls nang sunduin sya ng isang puting Ferrari 488 spider para sa isang joy ride na naghahalaga ng humigit kumulang P27Million.

Source: bretita18 Instagram
Source: bretita18 Instagram

Kinakantahan sya ng mga kaibigan ng Happy Birthday nang bumaba si James sa nasabing sasakyan at kitang kita sa reaksyon ni Nadine ang pagkagulat. Di nga lang malaman hanggang sa ngayon kung ito ay ang regalo ng aktor kay Nadine, o kung hiniram o nirentahan nya lamang ito.

Source: bretita18 Instagram
Source: bretita18 Instagram
Source: bretita18 Instagram

Sa isang caption ng instagram post ni kinchay (@bretita18), “Na shookit si Ateng sa bday gift ng hubby, deserve mo yan,”

Source: bretita18 Instagram
Source: bretita18 Instagram

Ang video sa Instagram ay galing sa post sa IG story ng photographer na si Andrei Suleik (@andreisuleik).

Nagtambal sina James Reid at Nadine Lustre sa maraming mga soap opera at mga pelikula gaya ng On the wings of love, Til I met you, Diary ng panget, Talk back and your dead, Para sa hopeless romantic, Beauty and the bestie, This time, at Never not love you.

Source: Wikipedia

Ngayon ay abala naman sila sa kanilang mga kanya kanyang mga projects. Si Nadine ay nag-uumpisang mag shoot sa bago nitong pelikula na “Ulan”, habang si James naman ay abala sa stunt training para sa kanyang gagawing pelikulang remake ng “Pedro Penduko.”