Silipin ang “Multi-Billionaire” na pamumuhay ni Dating Senador Manny Villar. Ibang klase talaga sa Yaman!

Isa sa mga pinakamayamang tao sa Pilipinas si Dating Senador Manuel “Manny” Bamba Villar ngayong 2018 sabi sa Forbes. Si Manny Villar ay nanilbihan sa gobyerno noon bilang isang Senador, Senate President pati House Speaker. Siya ay nagmamay-ari ng sobrang daming mga negosyo at mga real estate simula pa noon. Siya ang asawa ng butihing Senador Cynthia Villar.

Lumaki man sa kahirapan ay nagawa pa rin magtagumpay ni Manny Villar. Galing sya sa isang mahirap na pamilya at komunidad ng Tondo sa Maynila, at nagpursige syang mag-aral ng mabuti sa University of the Philippines, Diliman kung saan kumuha sya ng kursong Business Administration at nagtapos din ng Master’s Degree sa kaparehong Unibersidad.

Naayon sa Forbes, si Manny Villar ay ang Chairman ng StarMalls na may kabuuang Net worth na $4.7 Billion hanggang ngayong oras na ito.

Sya rin ang Chairman ng Vista & Landscapes. Ang  kanyang flagship company ay ang C&P Homes na nakalista ngayon sa Philippine Stock Exchange (PSE).

Ang kanilang pamilya rin ang nag-mamay ari ng Golden Haven Memorial Park and Golden Bria Holdings. Ang Vista Land & Lifescapes, Inc. ay pag-aari rin ng pamilya na kung saan ito naman ay nakalista bilang Private Property owned ayon sa Philippine Stock Exchange (PSE), na naglalayon na magbukas ng sampu (10) pang malls.

Sila rin ang nagmamay-ari ng Vista Malls sa Pilipinas at nag-umpisa ng lumalagong coffee shop business na The Coffee Project.

Nagtayo rin sya ng isa pang kumpanya, ang Vitacare Healthgroup, Inc.

Sa Tagaytay naman ay makikita ang kanyang “powerhouse” na bahay, habang meron di syang properties sa Las Pinas at The Fort.

Si Manny Villar ay isa nga sa maraming hinahangaang personalidad dahil sa kanyang pinakitang determinasyon, sipag at tiyaga.

Credits:Kami

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *