Hi-Tech na Bus Terminal byaheng Cavite at Las Pinas na kayang magsakay ng 4,000 katao kada Oras

Ngayong Nobyembre ay nakatakdang magbukas na sa publiko ang pinakabagong proyekto ng gobyerno na magbibigay ginhawa sa mga pasaherong nahihirapan mag-abang ng masasakyan papunta at pauwi ng trabaho. Sa pagbubukas nito ay inaasahang makakagaan ng trapiko sa EDSA dahil sa pagbawas ng mga nakahintong bus, UV express, taxi at mga jeep sa kalsada upang magsakay at magbaba ng mga pasahero.

Ang terminal na ito ay isang hi-tech na facility kung saan kaya nitong magsakay ng hanggang 100,000 na tao sa isang araw o 4,000 na pasahero bawat oras lalo na kapag sumapit na ang peak hours.

Ang mga pangunahing features ng terminal na ito ay meron silang magkaibang floor para sa departure area at arrival area para sa mga bus.

Meron din ibang bay para sa mga UV express, taxi at jeep upang di ito maging sanhi ng sobrang pagkatrapik sa mismong terminal.

Sa pagka hi-tech ng terminal na ito ay parang sasakay ka ng eroplano sa airport. Ito ay isang airconditioned facility na may maaliwalas at maliwanag na lugar. Marami rin ditong mga CCTV cameras para mas maging safe at secured ang mga pasaherong pupunta dito.

Makakapagpabook ka sa computer system kung saan makakakuha din agad ng discount ang mga estudyante, PWD at mag senior citizens.

Meron ding departure at arrival board kung saan makikita ang lahat ng papaalis at paparating na mga sasakyan na may eksantong status ng byahe.

Bago ka rin makasakay sa iyong sasakyan ay kelangan mong dumaan sa lugar na kung saan ii-scan ang iyong ticket para masiguradong tama ang gate na iyong papasukan at upang mapuntahan ang bus na iyong sasakyan.

Magkakaroon din dito ng mga centralized  shopping center na may shopping stalls, kainan at lugar para sa health and wellness amenities. Meron din makikita sa loob na apat na office towers kung saan pinaupahan ng Megawide. Ang mga ito ay inaasahang kikita ng Php717.20 sa susunod na taon.