Isang babae sa mall ang pinaunlakan ng selfie ni Jericho Rosales kahit nagmamadali ito na sya namang ikinagulat ng dalaga

Ang mga artista ay lubhang napaka busy kahit saan man sila magpunta. Di lamang dahil marami silang trabaho ay kundi na rin ay marami silang personal na mga bagay na inaasikaso. Pag pumupunta sila sa mga matataong lugar ay di maiwasan na sila ay pagtinginan, pag-usapan at pagkaguluhan ng mga tao lalo na kung sikat ang mga ito.

Nangyayari ang mga ganitong eksena kapag sila ay nasa mga matataong lugar tulad ng malls, hotels, restaurants, bars, parks at kung saan saan. Minsan ay makikita mo rin silang pinagkakaguluhan pag sila ay namimili sa department store o sa grocery.

Nakakahiya man silang lapitan at hingan ng pagkakataon upang makapagpa picture ay sadyang nilalakasan na lamang nila ang kanilang loob upang mangyari ang kanilang inaasam asam na selfie kasama ang kanilang mga iniidolong mga artista.

Tulad na lamang ng isang babaeng ito na si Dennish Diane Adriano, na kasalukuyang nagtatrabaho sa isang pizza restaurant sa isang mall dito sa Metro Manila. Ibinahagi nya sa kanyang Facebook account kung paano nya nagawang makapag-papicture sa iniidolo nyang artista na si Jericho Rosales.

Bagamat tinamaan ng kaba si ate ay talagang lakas loob nyang nilapitan si Jericho upang yayain ito magpakuha ng litrato.

Ang mga sumusunod ng pangyayari ay talagang kamangha-mangha at talagang kahanga hanga kaya naman nag-viral ito agad sa social media.

Me: Jericho! Pwede mag papicture
Sya : wait ate, may hinahanap lang ako na store.
Me : Okay po (Nakasimangot, akala ko masungit sya)

After 30mins. Habang nag aayos ako ng menus

Jericho : TARA NA ATE! PICTURE NA TAYO.

Me: OMG!! Binalikan nya ko! Hahahaha

 

Di nya inasahan na babalik pa ang artista upang tuparin ang kanyang sinabi nung una na magpapakuha silang dalawa ng litrato. Talaga namang nakakataba ng puso ang ginawang ito ni Jericho Rosales na nagpapakita lamang na sya ay tunay na makatao, totoong nagmamahal sa kanyang mga fans at marunong lumingon sa pinanggalingan.