Ang lalaking laging napapagalitan dahil kulang sa talino ay isang mayamang negosyante na ngayon dahil sa pinakitang sipag at pagmamahal sa trabaho

May mga estudyante na pinanganak na matalino, meron din naman na di masydo pero masipag talagang mag-aral, isa na doon is Charles pero kahit anong sipag niya ay hindi nya mabigyan ng mataas na grado ang kanyang mga magulang.

Source: Unsplash (all photos are used for illustration purpose only)

Lagi siyang napapagalitan ng kanyang ina dahil ang bababa ng mga marka nito.

Source: Unsplash (all photos are used for illustration purpose only)

Nakapagtapos naman siya sa pag-aaral ngunit sa paghahanap ng trabaho ay sobrang hirap na hirap siya dahil nagtataka bakit napakababa ng mga grado neto sabi pa nila ay hindi pasok sa kanilang standard.

Source: Unsplash (all photos are used for illustration purpose only)

Dinamdam ito ni Charles at muling naalala ang paulit ulit na sinasabi sa kanya ng kanyang ina na “kahit anong sipag mo kung mababa naman ang grades mo walang kwenta.”. Matapos ang paulit ulit na pag aapply ng trabaho sa kung saan saan ay unti unting nawalan ng kompiyansa si Charles na matanggap. Sinabi niya na sa huling pagkakataon na hindi siya matanggap ay ititigil nya na ito.

Source: Unsplash (all photos are used for illustration purpose only)

Pumunta siya sa isang malaking Shipping Lines at binigyan siya ng dalawang exam ng Human Resource management.

Source: Unsplash (all photos are used for illustration purpose only)

Ang una ay patungkol sa general knowledge at ang isa naman ay practical exam kung saan may kelangan silang ayusing gamit. Natapos ang exam at lumabas ang resulta at sa huling pagkakataon ay bigo siya na matanggap sa trabaho. Lugmok na lugmok si Charles dahil hindi pa din siya pinalad sa sobrang lungkot at daming pumapasok sa isip nya ay siguro gagawa na lang siya ng masama o kaya naman papasok sa butas ng karayom.

Source: Unsplash (all photos are used for illustration purpose only)

Maya maya pa ay may tumawag sa kanya galing sa executive office ng kumpanya at ang sabi, “Bata gustong gusto ko yung ginawa mo kanina kahit sira yung kagamitan ay ginawan mo ng paraan, nasaktuhan ko na gumagawa ka habang papunta ako ng opisina.” Sumagot si Charles “Pasensya na po sabi rin po ng HR na maganda yung ginawa ko dun pero sobrang baba po ng marka ko patungkol sa kaalaman kaya bagsak pa rin po ako” Sumagot ang matandang lalake na “Alam mo sayang ang potensyal mo sa trabaho alam ko marami ka pang magagawa. Ako na ang bahala sayo.”

Source: Unsplash (all photos are used for illustration purpose only)

Ang matandang lalaki pala ay ang may ari ng Shipping Lines na kanyang pinag-applyan pinangako niya na tuturuan siya. Tanong ng marami sa matandang lalaki bakit si Charles daw ang kanyang napili na tulungan at turuan. Sumagot siya na “sa panahon ngayon maraming matatalino oo pero yung mga taong merong sipag at pagmamahal sa trabaho ay onting onti na lang at isa dito si Charles. Kahit nahirapan sa mga turo ng matandang lalaki patungkol sa Shipping Lines ay napagtiisan nya ito at sa wakas hindi lang pasadong marka ang nakuha niya kung hindi napakataas pa. Tuwang tuwa si Charles dahil hindi nya inakala na magagawa niya iyon.

Pinasalamatan nya ang matandang lalaki sa walang sawa at pagtitiyaga nito sa pagtuturo sa kanya. Binahagi ng matandang lalaki ang kanyang saloobin dahil galing din siya sa kinalalagyan ni Charles at kung hindi dahil na rin ibang tao na hindi nagsawa tumulong at nagturo sa kanya. Sa sandaling nakita niya si Charles ay naalala niya nag kanyang sarili kaya niya ito tinulungan.

Source: Unsplash (all photos are used for illustration purpose only)

Ngayon si Charles ay nagmamay-ari na ng isa sa maraming Cargo Vessels sa Pilipinas. Kumuha din sya ng mga sasanaying mga batang  may dedikasyon at malasakit sa trabaho bilang pasasalamat sa matandang lalaki na tumulong sa kanya noon.