Isang tinatrangkasong rider na advance mag-isip hinangaan ng mga netizens!

Isang motorcycle rider ang nakita ng isang netizen na bumibyahe sa kalsada ng Commonwealth Avenue, na may nakasulat sa likod ng jacket nito. Ito ang nakasulat:

Source: Liza Aizel Facebook

“May Trangkaso

Bigla

Mabagal

Overtake Ka Na

Pasensya Na”.

Eto ang mga salitang nagbigay na tuwa at paghanga sa rider na ito na mukhang pinilit lang bumiyahe, magampanan lamang ang kanyang tungkulin. Ang litratong ito ay ipinost ni Liza Aizel sa kanyang Facebook Account na umani na rin ng libo-libong mga likes at nai-share na rin ng maraming netizens. Sabi sa caption ng kanyang post:

“Nakita ko lang kagb sa kahabaan ng trafic sa commonwealth ave. Nawala ang panandaliang pagod nmin sa nakadikit kay manong… Get wel po and Keep safe manong..hihihi”

Source: Liza Aizel Facebook

Ang mga katagang iyon din ang humakot ng sobrang emosyon at atensyon ng mga netizens na makikita sa ilang mga komento dito:

Hide On Bush: Up pagaling ka po boss 🙂 Ride safe paps. Nakita ko comment ng co worker mo sana makaabot sayo to 🙂

Joel de Castro: Baka namn pag magaling ka na kuya 80 na takbo mo sa commonwealth. Haha.. Nakaka goodvibes though.. Pagaling ka na kuya

Santiago Familar: Yan byaheng nkkwala bigla ng pagod

Reycar Raposa: isa lng ibig sabihin ni manong sya ay nagiingat mag motor

Gabriel Liongson: May trangkaso si rider kaya takbong pogi lang .. Overtake na lang daw… Kapag walang trangkaso si rider malamang iwan kayo nyan:)..

Alvin Visda Consunji: Such a humble thing to do. Get well soon kuya. God bless.

John Jeric Sto Domingo: Kaka proud si manong kahit may nararamdaman kumakayod.

Ellen Tata: Marami kasing mga kaskaserong driver na halos gusto ng sagasaan ang mga mababagal na motor sa high way , kaya kailangan pa ni kuya mag explain kung bakit sya mabagal

Yan lamang ang ilan sa maraming comments na nakuha ng litratong naipost ni Liza Aizel at hanggang ngayon ay umaani pa rin ito ng magkakaibang reaksiyon at atensyon mula sa mga netizens.