Niregaluhan ni Dimples Romana ng isang bahay ang kanyang ina na sya namang sobrang ikinagulat nito.

Iba talaga ang pakiramdam ng isang ina kapag nakakatanggap ng anu mang regalo mula sa kanilang mga anak. Maging maliit man ito o malaki ay talagang iba ang sayang dulot nito. Kagaya na lamang ng naging reaksyon ng ina ni Dimples Romana nang sya ay sorpresahin ng Aktres sa kanyang regalong bagong tahanan.

Walang natanggap na komento ang aktres mula sa mga netizens kundi magagandang bagay at papuri na sya naman ikinataba ng puso ng aktres. Inilaan nya kasi ang ilang parte ng kita nya mula sa kanyang kinabibilangang teleserye ngayon na “Kadenang Ginto”, upang matupad ang matagal ng pinapangarap na sariling bahay ng kanyang ina.

 

Sa kanyang instagram post, ibinahagi niya kung paano isinagawa ang kanilang sorpresa. Kunwari ay sa kanyang inaanak ang bahay na iyon ngunit nagtaka ang kanyang ina kung bakit ang kanilang mga larawan ang nakasabit sa dingding ng bahay.

 

“Bumaba kaming lahat to tour the house. I already printed out our family photos and hung them on a wall para habang nagtour sila makita nila yung mga pictures namin, sabi ng Aktres.

 

“Ayun, sabi ng nanay ko, ‘Bakit kami nandito sa pictures?’ At sabi ko, ‘Kasi bahay mo ito,’” dagdag pa niya.

 

Nang malaman ng kanyang ina ang sorpresa ay di nito malaman ang magiging reaksyon kaya ito na lamang ay napatalon at napahiyaw sa tuwa. Talagang tinanong pa nya ang kanilang mga kasamang kamag-anak kung talagang totoo nga ba na sa kanya talaga ang bahay. Kahit mismong si Dimples ay kitang kita sa kanyang ina ang matinding saya na naidulot nito.

 

“That moment when you tell your mama that the house you visited isn’t really your inaanak’s but hers… Mama was obviously surprised. Coming into my birth month, we surprised my Mama, Bam and Angeli with their new home,” paliwanag ng aktres.

 

View this post on Instagram

That moment when you tell your mama that the house you visited isn’t really your inaanak’s but hers 😅 Maraming Salamat @janesuero and @daryldelfin for being our accomplice 🙏🏻 Mama was obviously surprised ❤️🤗 coming into my birth month, we surprised my Mama, Bam and Angeli with their new home. Simple lang ito pero sana mag bigay ito ng magandang simula sa kanila at Maraming magagandang alaala ❤️ Salamat sa aking mahal na asawa for letting me do this for my family, hindi lahat may asawang mapagparaya katulad mo, thank you for allowing me to do this for them. You are THE BEST @boyetahmee ❤️ Ang kwento ❤️ For the longest time my Mama lives in the same home where we lived nung buhay pa si Papa. Sentimental value. Naiintindihan ko naman. Pero about 2 years ago, we spoke at parang ready na sya. Then two months ago, katatapos lang namin sa Bagani. I was planning on resting for a month before doing another teleserye. But sabi nga, “Many are the plans in a person's heart, but it is the LORD's purpose that prevails.”. A week later I already found myself asking the Lord what Kadenang Ginto was for. I dedicate each show I do for either a property or business each time and this time, I didn’t know why the Lord has blessed me with Kadenang Ginto. Ito na pala yun. I went to Papa in Manila Memorial to ask him if he could send angels to whisper to me what Kadenang Ginto is going to be for. And my Papa Bong made way. We found a lovely, cozy home, close to where I live, had rooms enough for my Mama and siblings, with a huge backyard and front yard. Sakto. The Lord made way. Kagabi, we gathered the whole family for dinner and it’s our tradition to bring everyone together every weekend to spend time with one another. Kaya wala din silang kaalam alam. We rode in one van. Tapos we had our inaanaks call us to randomly invite us over to their NEW house. Bumaba kaming lahat to tour the house. I already printed out our family photos and hung them on a wall para habang nagtour sila makita nila yung mga pictures namin. Ayun, sabi ng nanay ko, “Bakit kami nandito sa pictures?” At sabi ko, “Kasi bahay mo ito” ❤️ Mama, Bam and Angeli, si Daniela ay para po sa para sa inyo ❤️

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

“Simple lang ito pero sana magbigay ito ng magandang simula sa kanila at Maraming magagandang alaala. Salamat sa aking mahal na asawa for letting me do this for my family, hindi lahat may asawang mapagparaya katulad mo…” dagdag pa nito.