Mga bata sa Yemen ay nakararanas ng tag-gutom hanggang sa dahon na lang ang pwede nilang makain

Kung ikaw ay nakakakain ng tatlong beses sa isang araw? Paano pa kaya ang mga taga yemen na umabot pa sa pagkain nila ng dahon.

Ang pangangailangan ng isang tao ay kumain ng tatlong beses minsan pa nga kung hindi tayo makakain ng tatlong beses ay magagalit pa tayo pero masasabi mo parin ba iyon kapag malaman mong may mga ibang tao na dahil sa walang makain ay napilitan silang kumain ng dahon? Oo ang dahon na nanggagaling sa punong ito ang problema ng mamamayan sa Yemen.

 

Mayroon isa sa bawat siyam na tao sa mundo ang masasabing malnourished. Ito ay ang pagkukulang o hindi sapat ang nutrisyon sa katawan na maaring maging dahilan ng hindi pag laki o sakit.

12.9 percent sa buong populasyon ng buong mundo ang nakakaranas nito at isa sa mga bansang ito ay ang Yemen.

 

Ang mga mamamayan at bata ng Yemen ay namomoblema kung paano kakain sa isang araw. Mahigit 1.8 milyong bata sa bansa nila ay nagdurusa sa kalagayan na ito dahil sa matagal na bakbakan ng mga Houthi rebels at Saudi-led coalition ay naging mabagal ang pagdating ng tulong sa kanila. Ang mga pamilya ng distrito ng Aslam ay wala ng makain dahil dito wala silang magawa kung hindi kumain ng dahon.

 

Ang dahon na pinakuluan sa mainit na tubig at dinurog.

 

Ang inang si Umm Zahra na may anak na pitong buwan na gulang. Ayon sa kanya simula pa lang ng pagkapanganak nya sa kanyang anak ay hindi na sya makahanap ng pagkain o hindi mabigyan ng gatas kailangan pa nilang magpakulo para palbutin ang dahol para may makain lang sila.

Ang tanggapan ng kanilang Health Centre ay punong puno ng mga bata na nasa Final Stage of Malnutrition.Sa isang linggo ay palagi silang nakakatanggap ng 17 na pasyente na may malalang malnutrition.

Credits: Sbsnews