Mariel Padilla at kanyang anak, super cute na pinakita ang kanilang halloween costume

Ngayong bago sumapit ang November 1 ay abalang abala ang lahat sa pagbisita sa kanilang mga mahal sa buhay sa sementeryo. Pero bukod pa dun ay meron ding mga masayang kaganapan na pinaghahandaan lalo na ang mga bata.

Eto ang trick or treat o di naman ay halloween party kung saan ay makikita natin na nakasuot ng mga iba’t ibang costume ang bata. Merong mga nagiging super heroes, mga nakakatakot na mga monsters at horror characters, pati na rin mga fairies ay may mga nagsusuot din.

Sa lahat ng mga condominiums, subdivisions, malls at iba pang mga pampublikong lugar ay makikitang nagdaraos ng mga ganitong parties.

Gaya na lamang sa paghahanda ng mag-inang Mariel Rodriguez at kanyang anak na si Isabella. Si Mariel, na may tunay na pangalan na Maria Erlinda Lucille Sazon Termulo ay ikinasal kay Robin Padilla noong 2010. Ang kanilang anak naman ay magdaraos din ng kanyang ikalawang (2) taong kaarawan ngayon November.

Kita sa mga posts nya sa instagram kung paano sila naghanda para sa kanilang susuotin sa kanilang pupuntahang party.

At gaya nalang din ng inaasahan ay bumuhos ng pagkatuwa at pagbati mula sa mga netizens dahil sa dala nilang cuteness at talagang napakita kung gaano talaga kamahal ni Mariel ang kanyang anak.

Narito ang mga ilan sa mga komento ng mga kanyang followers sa Instagram:

iamthirdylaping: Ms. Mariel, saludo talaga aq sayo sobra grabe yung paraan na ginagawa mo para maparamdam mo sa anak mo yung pagmamahal!!! Saludo aq

hardrockzone03: Cute naman ni baby…

snoopsal: Mariel, your daughter is so darling