Dahil sa pagmamahal ng isang ina, tiniis nya ang panganganak sa loob ng 75-araw

Ang panganganak ng isang bata ay hindi biro at napakahirap subalit ang mag anak ng triplets sa loob ng pitongpu’t limang araw ay masasabi nating kamangha mangha at inspirasyon.

Source: reuters

Ang 31 years old na Polish na si Joanna Krzysztonek ay nagdala ng triplets sa kanyang sinapupunan. Sa loob ng limang buwan niyang pagdadalang tao ay nakaramdam siya ng liyab at sakit sa kanyang bahay bata ayun pala ay hindi nya alam na manganganak pala siya ng maaga. Sobrang nahirapan si Joanna sa pagluwan ng kanyang premature babies at sa tagal ng kanyang operasyon minabuti na ng mga doktor na bigyan ng gamot at pinapwesto sya sa isang mahirap na posisyon ng panganganak.

Siya lang naman ay pinaupo lamang sa higaan na nakaangat ng onti habang nakataas ang kanyang dalawang paa sa loob ng dalawang buwan at kalahati. Ito ay lubhang napakahirap na sitwasyon para sa kanya ngunit ito ay kanyang tiniis upang mailuwal lamang ng maayos ang kanyang mga anak. Pinagawa ito ng mga doktor upang maiwasan ang mga kumplikasyon at problema na maaring mangyari sa ina at kanyang mga sanggol. At ito naman ang sinunod ng ina.

 

Source: reuters

Maupo ka nga lang ng mga ilang oras sa kinauupuan mo ay sobrang nakakapagod at nakakangalay ngunit bilang isang ina kaya niyang ibigay ang lahat ng sakripisyo mailuwal nya lang ang kanyang mga anak sa loob ng sinapupunan sa kasamaang palad ay di nakaligtas ang isa sa mga triplets ngunit ang natirang dalawa ay malusog at pinangalanan nya itong Iganancy at Iga.

Hindi matatawaran ang ipinakitang pagmamahal nito sa kanyang mga sanggol kahit matagal siyang nahirapan dahil dito, si Jonna ay hindi sumuko. Isa lamang si Joanna sa mga inang pinakita ang tibay, tatag, at maging malakas para sa kanyang magiging pamilya pati na rin sa lahat ng ina sa mundo. Marami ang nagpasalamat sa kanyang pagsasakripisyo.